Chapter 227

711K 27.3K 19K
                                    

A/N: Nakakalungkot 😔😔. May sumuko na naman sa laban nya sa Depression at piniling iwan ang pamilya nya at mga nagmamahal sa kanya.

Please... Wag po sana nating kalimutang tanungin ang mga taong malapit satin kung okay lang sila o may nararamdaman sila. Lagi nyong ipaparamdam na andyan lang kayo para sa kanila.

At para sa inyo na nakakaramdam ng Depression o yung pakiramdam na gusto nyo ng tapusin ang buhay nyo lagi nyong tatandaan to.

At para sa inyo na nakakaramdam ng Depression o yung pakiramdam na gusto nyo ng tapusin ang buhay nyo lagi nyong tatandaan to

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#;KeepGoing

Blood

Jay-jay's POV

"Wala na bang ibibilis to?!" Taranta kong tanong.

"Kahit bilisan ko ang takbo nito kung hindi naman natin alam kung saan ang pupuntahan... Wala rin!" Inis na sagot ni Percy.

Hindi ko alam kung saan na kami nakarating. Kanina pa kami pa-ikot-ikot malapit sa school. Alam kong hindi pa sila nakakalayo ng husto.

Saan na kaya nila dinala si Ci-N?

"Tawagan mo na yung mga kaklase mo! Mas mabilis mong mahahanap yung bata sa tulong nila!"

Napailing ako. "Wala yung cellphone ko! Naiwan ko sa bag."

Hindi na kasi ako bumalik sa room. Tumakbo na ko palabas ng school at hindi ko namalayan na sumunod pala sakin si Percy.

Pinigilan nya ko at tinanong. Sinabi ko sa kanya na kasama ni Mykel si Ci-N at masama ang kutob ko. Agad nya kong pinasakay sa kotse nya para maghanap pero hangang ngayon hindi pa rin namin sila makita.

"Gamitin mo tong cellphone----." Hindi na nya natapos ang sasabihin.

Nabitawan nya ang cellphone na iaabot sana nya sakin at napasigaw sya sa hindi ko maintindihan na dahilan. Natakot ako sa naging reaksyon nya. Masama pa nito nawalan din sya ng kontrol sa manibela.

"P-percy?! A-anung nangyayari sayo?!" Tarantang tanong ko.

Tuloy-tuloy pa rin ang andar ng kotse. Babangga kami kung hindi sya hihinto kaya naman hinawakan ko ang manibela at tinapakan ang preno. Halos masubsob kami pareho dahil sa biglaang paghinto.

"Aaaarrrrrgggghhhhh...." Inda nya na parang may masakit sa kanya.

Pvtang'na! Anung nangyayari?!

Natatakot ako! Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa kanya. Tinignan ko ang kabuuan nya at para syang hindi makagalaw. Naninigas ang mga daliri nya at una't na unat ang binti.

"P-percy!"

Nakapikit sya at tagaktak ang pawis kahit naka-aircon ang kotse. Nasabunutan ko ang sarili ko. Hindi ko alam ang gagawin.

"P-percy..." Naiiyak kong tawag sa kanya. "...H-hihingi ako ng tulong."

Tinanggal ko ang seatbelt ko at akmang lalabas ng sasakyan ng bigla syang magsalita.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon