Mine
Jay-jay's POV
"Anyare sa 'yo?" bungad ni Edrix kay Keifer. "Napaaway ka ba?"
Tumingin siya sa 'kin kaya agad akong umiwas. Guilty! Kasalanan naman kasi niya. Itulak daw ba ko papasok sa cubicle tapos... Aarrggghhh!!!
Bumalak pa ng New Year Ano part two ang loko!
Kainis!
No choice ako. Kinagat ko labi niya at sinuntok sya. Sinipa ko rin siya ano niya. Kaya ito siya ngayon, mukang sumuong sa away.
"Hindi... May nasalubong kasi akong impakta," sagot ni Keifer at lumakad palapit sa upuan niya.
Impakta raw?
Umiwas ako ng tingin. Kunwari wala akong alam sa nangyari sa kaniya. Pero ang loko, nananadya yata.
"You'll pay for this..." bulong niya pagdaan sa harap ko.
Tinignan ko agad siya nang masama. Impakto, eh! Hindi pala madadaan sa pakiusap 'tong taong 'to. Kung mahirap siyang kausap dati, mas lalo na ngayon.
Tsk! Dapat naisip ko na 'yon una pa lang. Kainis!
Tumingin ako sa pinto ng room. Ayokong ubusin yung oras ko sa kakaisip sa kumag na 'to.
Wala pa rin si Ci-N.
Ano na kayang nangyari do'n? Gusto ko na tuloy siyang puntahan sa kanila. Baka kung ano na ang ginawa ng kuya niya sa kaniya.
Naalala ko tuloy kung paano niya ako sigawan sa cellphone no'n. Kulang na lang tumawid siya sa linya para lang masigawan ako nang harapan.
Hay...
Si Kit naman ang sunod kong hinanap. Nakasalpak sa tainga niya yung headset at parang walang paki sa nangyayari sa paligid niya.
Si Mayo, halatang gustong lumapit sa kaniya pero nag-aalangan.
Love life pa more!
Dumating na si Sir Alvin. Nangumusta muna siya. Nagtanong kung paano namin cinelebrate yung pasko st bagong taon. Hindi na siya nagturo at nakipagkuwentuhan na lang. Nakaka-miss din 'tong si Sir. Yung mahaba niyang pasensya sa 'min at sa mga ulupong na 'to at yung pagsali niya sa mga kalokohan namin.
"Nasimulan na nga pala ang plano para sa retreat niyo," biglang sabi ni Sir.
Retreat?!
"Kasali pala kami do'n?" tanong ni Calix.
"Oo... Fourth year na kayo. Lahat ng students bago grumaduate ay kasali do'n," dagdag pa ni Sir.
Alam ko talaga may gano'n sa mga fourth year na ga-graduate. Pero parang ang aga naman yata para pag-usapan.
"Kailan daw gaganapin?" tanong nila.
"Wala pang date pero mas maaga 'yon sa usual na retreat. Nag-aalanganin kasi dahil sa post-final exam."
Post-final exam?
Humarap ako kay Yuri at kinalabit siya.
"Ano yung post-final exam?" tanong ko.
"Meron kasing panlimang exam. Doon malalaman kung ga-graduate yung student o hindi," paliwanag ni Yuri.
Patay!
Bakit may gano'n pa? Paano kung hindi makapasa? E di hindi ga-graduate?
Kinabahan tuloy ako bigla. Hindi pa nga namin nararating ang third periodical examination tapos malalaman kong may gano'n pala.

BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E (Book 2)
General FictionPagkatapos ng mga pinagdaanan nila ng Section E, ang buong akala ni Jay-jay ay maayos na ang sitwasyon nila. Pero paano kung malaman niyang kasinungalingan lang pala ang lahat? Magagawa pa rin ba niyang patawarin ang taong nanakit sa kaniya o hindi...
Wattpad Original
Mayroong 18 pang mga libreng parte