Chapter 162

834K 30.8K 28.7K
                                    



Inner Pain

Jay-jay's POV

Parehong-pareho kayo ni Ella.

Parang sirang plaka na pauli-ulit sa utak ko yung mga salita'ng sinabi nya. Sobrang sakit!

Paasa.

Mahigpit ang yakap sakin ni Keifer. Hindi sya nagsasalita at hinahayaan lang nya ko.

Para akong bata na humahagulgol sa iyak. Basa na ang braso at balikat nya ng luha at sipon ko.

"You can't blame Yuri..." Sabi nya habang patuloy sa pagyakap sakin. "...he was hurt, again."

"A-alam ko... P-pero sobrang s-sakit lang kasi."

Hindi yun ang intensyon ko. Wala naman talaga kong balak na paasahin sya. Hindi ko sadya.

Naiintindihan ko naman kung galit na galit sya sakin. Pero hindi ko talaga mapigilang hindi umiyak. Parang may milyo'ng milyo'ng karayom ang sumasaksak sa puso ko.

"Keifer... A-ayaw nyang i-atras ang kasal."

Umalis sya mula sa pagkakayap. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko. Kahit sabog sabog ang sipon at luha sa muka ko.... Hinalikan pa rin nya ko.

For a moment nakalimutan ko yung dahilan ng pagiyak ko. Nakalimutan ko din na muka na kong ewan. Ay pota! Lasang sigarilyo at mentos ang bibig ng punyemas. Humiwalay sya sakin at agad akong tinignan ng may pandidiri.

"Yack! Yung sipon mo..."

Agad ko sya'ng hinampas ng malakas pero tinawanan lang nya ko.

"Kingina mo ka!" Inis na sabi ko.

Hinawakan nya ulit ang magkabilang pisngi ko. Sa pagkakataon na to, seryoso nya kong tinignan.

"Don't worry about the wedding. We still have time to think a plan on how we can stop it."

Sisinghot-singhot ako'ng tumango sa kanya. Hinalikan nya ko sa noo. Medyo gumagaan na yung pakiramdam ko.

May kinuha sya sa bulsa nya at inabot sakin ang isang puti'ng panyo.

"Punasan mo na yang sipon mo. Kadiri kana." Sabi nya at tumawa.

Padabog kong kinuha yung panyo at siningahan. Lahat na yata ng natatago sa ilong ko, nilabas ko na, kulang nalang pati utak ko ilabas ko na rin. Pagkatapos mailabas ang saloobin, binalik ko sa kanya yung panyo.

"Salamat."

"Sayo na... Nakakahiya sayo. Baka nabitin kapa sa nilabas mo."

Hinawakan ko nalang yung panyo. Pinaandar ni Keifer yung kotse. Oras na din kasi para umuwi ako.

"Gusto ko ng umuwi." Halos pabulong kong sabi.

Nag-nod lang sya sakin. Tahimik lang ako sa byahe, gustuhin ko mang magsalita, anu naman ang sasabihin ko? My pagkakataon na tinitignan ako ni Keifer, pero hindi ko masuklian yung tingin na yun.

Kahit nabawasan ang bigat na nararamdaman ko, masakit pa rin. Yung mga salita'ng binitawan nya sakin.

Kung tutuusin, deserve ko yun. Ang sakit ng ginawa ko sa kanya. Pinaasa ko lang sya sa wala. Kung alam ko lang na ganito, una pa lang sana hindi na ko umo-o.

Anu kaya'ng ibig nya'ng sabihin sa sinabi nya'ng 'Keifer is not the only one who have ways'? Bigla ko tuloy naalala yung sinabi ni Ci-N tungkol sa kanya.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon