Chapter 235

790K 28.9K 34.5K
                                    

A/N: Anu kaya meron sa authors note ko? Bakit kaya nila inaabangan? Hindi naman nila makikita kagandahan ko. Pwede pa yung kakornihan ko.

Anu kaya meron? 🌽🌽

Pa-🚩🚩🚩...

Love: Badboys and Goodgirls
By: Sophia_Cassandra29

Beautiful Girl
By: Kim_keajoon

He Change
By: Lyka_mea

I call you mine
By: v_taehyung1451

That Probinsyana is the Lost Princess
By: Jackeng_Saranghae

Falling Inlove with a Mean Liar
By: ZyInLove

Bad boys Princesses
By: gorg_demigod

🚩🚩🚩🚩🚩🚩🚩🚩🚩🚩🚩🚩🚩

Forgiveness

Jay-jay's POV

"Anu pinag-usapan nyo?" Tanung ko kay Aries habang nag-aalmusal kami.

"Wala kana don." Bored na sagot nya sakin.

Tinignan ko sya ng masama. "Sabihin mo na!"

"Tsk! Tigilan mo nga ako!"

"Anu ba yan?!" Iritang sabi ni Mama habang naglalakad palapit samin.

Ininom nya ang kape sa tasang hawak nya bago ibaba yun sa lamesa. Matalim ang tingin nya saming dalawa na para bang sinasabi nya na kami ang pinaka-makulit na magkapatid sa balat ng lupa.

Pero si Aries mukang lupa.

"Ang aga-aga ng bangayan nyo! Hindi nyo ba kayang tumahimik?" Inis na sabi nya sabay kuha ng tinapay.

Napayuko lang ako kasabay ng pagsubo ng kanin. Samantalang parang walang narinig si Aries. Patay malisya at tuloy sa pagkain.

Napatingin ako sa pinto ng pumasok si Kuya Angelo. Kinakabit pa nya ang necktie nya bago lumapit samin at kunin ang tasa ng kape na kanina pa hindi ginagalaw ng kahit sino samin.

Malamig na yata yung kape.

"May pumasok ba sa inyo sa kwarto ko?" Tanung nya ng hindi tumutingin samin.

Nagsalubong ang mga mata namin ni Aries. Kulang nalang sabihin nya na 'isusumbong kita'. Matagal kaming nagtitigan ng humarap sya kay Kuya Angelo.

Hala! Isusumbong nya ko!

"Si Aries yun! Si Aries yung pumasok sa kwarto mo!" Sabi ko habang nakaturo kay Aries.

Agad na nagsalubong ang kilay nya kasabay ng matalim na tingin sa sakin. Nakagat ko ang parehong labi ko kasabay ng unti-unti'ng pagbawi ng daliri ko.

Tinignan sya ni Kuya. "Pumasok ka sa kwarto ko?"

Nanatili sakin ang mga tingin ni Aries. "Oo, ako nga."

Wooooossshhhhh! Save!

"...Nakita ko nga yung laman ng brown envelop sa table mo." Dagdag nya dahilan para matigilan si Kuya.

Lumipat ang tingin nila sakin. Agad naman akong umiwas at bumalik sa pagkain ng almusal. Halatang naguguluhan si Mama sa nangyayari.

"Anu bang pinag-uusapan nyo?" Tanung nya.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon