Chapter 202

844K 30.9K 20.3K
                                    

A/N: NO EDIT! Sorry for the wrong spelling and grammar.

Monday Madness

Jay-jay's POV

Naging pabor sakin ang araw ng linggo. Walang tao sa bahay except sa mga maid nila Tita. Pati sila Mama at Andy'ng epal ay wala. Buong araw akong kumain at natulog----walang paligo!

Okay lang yun! Wag kayong ano!

Pero mukang linggo lang ang naging pabor sakin dahil lunes. Lunes na lunes! Lunes na lunes bunganga ni Kuya ang bumungad sakin.

Ready na sana ako sa daily routine namin ni Percy. Kuwaring papasok ako pero dun kami magkikita sa Mini Mart----alam na this! Pero nandito pa pala sa bahay si Kuya at ayon.

Sermon all the way!

"Pinagbibigyan kita nung una! Sinasagad mo talaga ang pasensya ko!" Sigaw nya sakin.

Napapapikit nalang ako habang pinapakinggan sya. Feeling ko sa bawat salitang binibitawan nya ay may lilipad na gamit papunta sakin. Ganun katindi ang powers ng bunganga nya.

"Tama na Angelo, papasok na siguro sya ngayon." Awat ni Tita Gema sa kanya at bumaling sakin. "...papasok ka na diba?"

Para akong bata na nakatingala sa kanya. Tipid na tango ang sinagot ko dahil sa totoo lang wala talaga akong balak pumasok ngayon. Wala na kong balak pumasok forever.

"Akala mo naman maniniwala ako sayo?!" Inis na sabi ni Kuya at dinuro ako sa ulo. "...Akala mo hindi ko kilala ikot ng utak mo?!"

Haaahhh! Nakakabasa na ngayon ng isip si Kuya?!

"At hindi ako nakakabasa ng isip kung yan ang inaakala mo!" Dagdag nya.

Oowwwsss?!

Lalung tumalim ang tingin sakin ni Kuya kaya agad akong yumuko ulit. Hindi nakakabasa pero parang alam na alam nya yung iniisip ko.

"P-papasok na talaga ako. Hatid mo pa ko para sure ka." Sabi ko habang nakayuko pa rin.

"Talagang papasok kana! At para masiguro ko na aabot ka sa classroom nyo..."

Ihahatid kita!

"...ipapahatid kita!"

Whhuuaaattt?!

Kanino?! Kay Aries the Horoscope? Sus, wala pa ko sa gate ng school ibaba na ko nyan. Wala rin kaming driver para ipahatid ako. Hindi rin pwede si Andy'ng epal dahil uuwi daw sya sa kanila----marami daw syang tatapusing trabaho!

"Kanino?" Tanung ni Tita Gema.

"Sa kanya." Mabilis na sagot ni Kuya habang nakaturo sa pinto.

Sabay kami ni Tita Gema na tumingin don. Naka-ngiwi habang kumakaway samin ang walang hiya. Isa lang ang masasabi ko.

Hindi pabor sakin ang lunes!

"G-good morning po." Bati ni Yuri.

"Kuya!" Inis na tawag ko sa kanya.

"Sya na ang maghahatid AT sundo sayo." Diniinan talaga nya yung salitang AT. "...updated din ako every hour, to make sure na hindi ka magka-cutting."

Wow! Wow talaga! Wow na wow! Ikay mapapa-wow! WOW!

Ngumiti sakin si Kuya na parang nakakaloko. Para bang sinasabi nya na 'hindi ka mananalo sakin'. Kingina naman! Wala na talaga akong panalo.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon