Chapter 238

784K 27.9K 25.9K
                                    

Birthday Wish

Jay-jay's POV

"Tama ang Kuya Angelo mo Jay." Sabi ni Tita. "...Wag ka muna siguro'ng pumasok."

"Kasi Tita..." Balak ng mg Ulupong na magpadala ng video message sa Hari nila. "...baka po kasi."

"Muntik ka na kagabi. Buti nalang at andon si Aries."

Napayuko ako, pareho kami ni Aries na hindi pinapasok ni Kuya Angelo. Alam pala nya na lumabas kami kagabi at yung nakita kong pagtakbo nya kasunod ng kotse-nangyari pala talaga.

Sinubukan ni Kuya na habulin yung kotse pero masyado'ng mabilis ang takbo. Idagdag pang wala'ng plaka.

"Wag ka na makulit. Magpahinga ka na." Dagdag pa ni Tita.

Hinalikan nya ko sa ulo bago tumayo at lumabas ng kwarto. Agad kong hinanap ang cellphone ko para itext si Ci-N.

To: BatangKumag
Message: Hnd aq ppsok. My nangyri kc.
(Hindi ako papasok. May nangyari kasi.)

Segundo lang ang hinintay ko at sinagot kagad nya ang text ko.

From: BatangKumag
Message: Anung nangyari? Bkt may nangyri? Kanino nangyri?

Napangiwi ako. Naiimagine ko ang itsura nya habang tinatanung sakin yun. Nanlalaki ang mata at parang excited malaman ang sagot ko.

Nakarinig ako ng katok sa pinto at dahan-dahang bumakas yon. Muka ni Aries ang bumungad sakin.

"Okay ka lang?" Tanung nya.

Nag-nod ako. "Ikaw? Okay ka lang?"

Pumasok sya at lumapit sakin. Pinilit nyang ngumiti.

"Okay lang din."

"Pwede mo na bang ibigay ang kapalaran ko for today?" Inosenteng tanong ko at malakas na pitik sa noo ang nagpabagsak sakin.

"Aagghhh! Ang sakit!" Sigaw ko habang naka-hawak sa noo at nagpapa-gulong-gulong sa kama. "Paking shit! Aray!"

"Puro ka kalokohan! You almost died last night and you still think like that!" Inis na sabi nya.

Mangiyak-ngiyak ako habang tinitignan ang noo ko sa salamin. Namumula at parang may bukol. Feeling ko sing-tigas ng bato ang kuko nitong kapatid ko dahil sa sakit.

Pati yata kaluluwa ko nasaktan.

"Sakit..." Bulong ko. "...ang sakit."

"O.A. mo naman." Iritang sabi nya at lumapit sakin. "...patingin ako."

Inis ko syang hinarap. "Oh ayan! Tignan mo!" Halos ingudngod ko yung noo ko sa kanya.

Panibagong pitik na naman ang binigay na naman nya sakin. Halos lumumpasay na ko sa sahig dahil sa sakit.

Narinig ko ang malakas nyang pagtawa habang naglalakad palabas ng ng kwarto ko. At talagang maligaya pa sya sa dinaranas kong sakit.

Pero sa hindi ko maintindihan na dahilan. May kumikiliti sa puso ko. Napangiti ako at padapang bumagsak sa kama ko.

Eto na ba yun? Ganito ba yung pakiramdam na ayos na kayo ng kapatid mo?

Kinuha ko ulit ang cellphone ko at sa pagkakataon na to si Percy naman ang tinext ko.

To: Percing
Message: ui! ui! Twg ka! My sasbhin aq!
(uy! Uy! Tawag ka! May sasabihin ako!)

Nakangiti ako habang hinihintay ang sagot nya. Inabot din ng ilang minuto yun at muntik ko pang ipadala yung text ulit.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon