Chapter 141

871K 33.6K 20.3K
                                    

New York

Jay-jay's POV

"...Aminin mo na Pre! Weak ka talaga!" Pang-iinis ni Blaster.

"Tantanan mo ko!" Inis naman na sagot ni Eman.

Kanina pa sila ganyan. Mula sa harap ng cashier hanggang sa paglalakad namin papunta sa parking.

Ako nalang humihingi ng pasensya sa mga tao'ng pinagtitinginan kami at napeperwisyo ng dalawa'ng to.

"Woohh! Virgin!" Sigaw ni Blaster at bigla nalang ako'ng natawa ng malakas.

"Hahahahahaha..." Wala namang masama sa sinabi niya. Natawa lang talaga ako dahil mukang asar na asar na tong isa.

"Gago ka! Tigilan mo sabi ako!" Sigaw ni Eman at bigla nalang namula.

Bakit kapag lalaki ang nag-aasaran ng ganun nakakatawa? Pagbabae, parang nakaka-pikon at napaka-seryoso'ng usapin.

"Bakit? Nahihiya ka! Kasi virgin kapa rin?" Pangungulit ni Blas.

Halata'ng napipikon na si Eman pero nagpipigil lang.

Bigla nalang tumunog yung phone ko. Hinayaan ko muna'ng magtalo yung dalawa at sinagot ko na yung tawag.

"Hello?"

["Done shopping?"] Boses nung Hari.

Dapat tinignan ko muna yun caller. Pffttt...

"O-oo.."

["Don't go anywhere. I'll pick you up."] Sabi nya at pinatay na naman yung tawag.

Bastusan talaga eh!

I'll pick you up? Alam ba nya kung nasan ako? Siguro sinabi nitong dalawa na to.

Speaking of dalawa, ayun nagtatalo pa rin sila. Lumapit na ko agad at baka mag-suntukan na.

"Mauna na kayo. May pupuntahan pa pala ako." Sabi ko sa kanila.

"Saan? Hatid na kita." Presinta ni Eman.

"Dito lang din."

Pareho naman sila'ng nag-nod. Kinuha ko muna sa kanila yung garapon ng lollipop. Nag-paalam na rin sila dahil may gagawin pa daw si Blaster.

Pinagmasdan ko lang yung kotse nila na makalayo sa kinatatayuan ko. Sakto nama'ng pagkawala nila ang paglitaw ng Nissan GTR ng Hari.

Yayamanin talaga!

"Sakay." Bungad nya sakin.

Grabehan! Hindi man lang ako pagbuksan ng pinto. Napaka-gentleman mo dyan.

Pagsakay ko, humarurot na ang wala'ng hiya. Animal!

"Saan tayo pupunta?" Tanung ko sa kanya.

"Sa bahay."

Nag-nod nalang ako. Anu kaya'ng trip nito at nakipag-kita sakin?

Sandali lang ang naging byahe namin dahil sa bilis magpatakbo nito'ng kumag na to.

Pinarada nya yung kotse nya kahilera ng iba pa. Pinagmasdan ko yung ibang sasakyan na katabi ng sa kanya. Ang putik! Naiingit ako sa kanya.

"Keifer... Mayaman ka naman baka pwede'ng akin nalang isa?" Bungad ko sa kanya sabay turo sa mga kotse nya.

Seryoso nya ko'ng tinignan. "Which one?"

Hala! Hala! Which one daw!

"Seryoso ka dyan?!"

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon