Chapter 146

837K 36.5K 50.8K
                                    

Author's Note: Alam ko marami magagalit dito... 

Frustration 

Jay-jay's POV

Ayoko'ng magtanong. Ayoko kahit gusto ko. Ang gulo pero ayoko talaga.

Ayokong buksan yung topic ng aksidente. Kahit kati'ng kati na kong malaman yung totoo.

Alam ko na yung ilang part pero yung kabuuan. As in buo!

Ako na intrimitida!

"Andito na tayo..." Sabi nya at hininto ang kotse sa harap ng bahay namin. "...susunduin ba kita bukas?"

"Wag na siguro... Sabay kami ni Ci-N. Hindi pa rin nya alam." Paliwanag ko.

"Ahh... Ok. Maybe next time."

Ngumiti nalang ako sa kanya. Bubuksan ko na sana yung pinto ng kotse pero bigla nya kong hinawakan sa braso.

"Teka lang..." Sabi nya.

"Bakit?" Tanung ko.

Bigla nalang sya ngumuso at pumikit. Napataas nalang ang isang kilay ko.

"Gusto mo'ng humalik sa kamao ko?" Tanung ko at bigla nalang nya ko'ng tinignan ng masama.

"Isa lang!" Inis na sabi nya.

"Nakakarami kana kaya!"

"Bumabawi lang ako."

Bumabawi?!

"Anu namang binabawi mo?" Taka kong tanung sa kanya.

"K-kasi... Si Keifer, marami'ng beses ka ng nahahalikan pero ako... Ilang beses pa lang." Paliwanag nya.

Nakaramdam agad ako ng inis sa sinabi nya. Ang dating kasi sakin, nakikipag-paligsahan sya.

"Anu'ng ibig mong sabihin dun?" Seryoso'ng tanung ko.

"W-wala naman... Na-iinggit lang ako." Parang bata nya'ng sagot.

"Parang kang bata... Tsaka hindi paligsahan to!" Inis na sabi ko.

"Sorry..."

"Oh! Nang matahimik ka!" Alok ko habang naka-amba ng yakap.

Agad naman sya'ng ngumiti at yumakap sakin. Sinulit naman ng luko, medyo matagal bago sya humiwalay sakin.

Binuksan ko yung pinto ng kotse at bumaba na. Hinintay ko muna sya'ng maka-alis bago ako lumapit sa gate namin.

Isang hakbang nalang sana nasa loob na ko pero panibagong sasakyan ang huminto sa harap namin.

Sino to?!

Bumakas ang pinto ng kotse at galit na nakatingin sakin si.....Keifer.

"B-bakit andi----"

Bigla nalang nya kong hinawakan sa braso at kinaladkad palapit sa kotse nya.

"Sakay!" Utos nya.

Nakatayo lang ako sa harap ng kotse. Tumingin ako sa gate namin na nakabukas at sa kanya.

Kung tatakbo ako papasok, baka hindi nya ko maabutan. Hindi naman sya makakapasok sa loob ng bahay dahil andun si Aries at si Kuya Angelo.

"Wag mo ng balakin pa..." Dinig kong sabi ni Keifer.

Ganun ba ko ka-obvious? Pati yun na-realize nya.

Ikaw na!

Sibangot ako'ng sumakay ng kotse nya'ng----iba na naman! Sumakay din sya agad, bago pa man din umandar kumapit na ko sa pwedeng kapitan.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon