Chapter 166

791K 30.5K 33.4K
                                    

Author's Note: Two Chapters Only, the reason why is because my grandfather died almost a week now. We're busy with the funeral and i can't focus to write the next few chapters. I hope you all understand.

Babawi nalang po ako next week, start na rin ng retreat nila. Malapit na tayo sa ultimate super duper climax at syempre sa ending.

Bread Knife

Jay-jay's POV

Nung nakilala ko si Freya, kinamuhian ko sya ng husto. Bakit? Simple lang.... Nakikipag-sabayan sya ng kamalditahan sakin. Kung nakapag-usap siguro kami ng maayos malamang may chance pa kaming maging magkaibigan.

Tatanggapin ko sya kahit muka syang coloring book at may record sya ng pagiging Total Bitch.

Pero dahil pareho kaming hindi nagpapatalo. Hinding hindi kami magkakasundo.

Buong akala ko si Freya na ang pinak-malala sa lahat pero mali ako. Maling mali ako. Lalu na ng makaharap ko ang babaeng to!

Feeling ko nanadya yung parents ni Yuri----ay hindi!

Tanggaling natin yung word na 'feeling' dahil sinasadya nila talaga to. Maki-share sa table? Shutang'names!

May sarili silang celebration, tapos makiki-share samin. Joke ba yun?! Mas muka pang-joke tong pagmumuka ng kasama ni Keifer. Maka-angkla sa braso nya wagas.
Formal na formal pa ang ayos nila.

Tropa yata ni Freya to eh! Mukang coloring book din. Ang weird pa dahil pamilyar din sya sakin. Hindi ko maalala kung saang impyerno sya hinugot.

IMPAKTA!

Napatingin ako sa Mama ni Yuri. Nakatitig kasi sya sakin, ngumiti naman sya ng mapansin nyang nakita ko sya.

Nakita nga pala nya kami dati ni Keifer. Kaya siguro inaya din nya sila dito. Anung gusto nyang mangyari?

"Iha..." Tawag nung Papa ni Yuri dun sa babaeng LINTA na nakahawak kay Keifer. "...Saan naman kayo nagkakilala ni Keifer?"

Ngumiti yung babae. "Thats a great question." Bahagya nyang niyugyog si Keifer. "...Would like to tell them how?"

Ay pvta! Gumaganon!

Bahagyang umubo ang PESTENG Hari ng mga Ulupong. "I met her in a halloween party last year..."

Halloween? Holy cow kalabaw! Yung Malanding Bunny Girl na nakipag-sayaw sa kanya! Naalala ko na! Kaya pala ang init ng dugo ko sa kanya.

Nagpatuloy sya sa pagkukwento, kelan lang pala nya nalaman na pamangkin pala ni Mr. Ryder yung babae. At nakakabanas pa talaga ang pangalan nya... Honey Bee Ryder.

Nice! Pero bakit andito sya?!

Ang daming pagkain sa harap namin pero wa-epek sakin. Nawalan talaga ko ng gana dahil sa pagmumuka ng babaeng to. Ang isa pang kinaiinis ko, hindi man lang ako tinitignan ni Keifer kumag. Isama pa don na halatang nakikiramdam sakin si Yuri at Mama nya.

Anu bang gusto nila?

"Maki... Open your mouth." Sabi nung babae habang pilit sinusubuan yung Kumag.

Anu ulit? Maki?! Maki! MAKI!!! Saan galing ang putanginang Maki na yun?

"Maki?!" Tanung ko na napalakas dahilan para tumingin sila sakin.

Pinagtaasan ako ng kilay ni Honey---na nga, Bee pa. "Nickname ni Keifer. Bigay ko sa kanya! May problema ba dun?" Maarteng tanung nya sakin.

Tinignan ko si Keifer pero wala syang reaksyon habang nakatingin sakin. Anu ba? Bakit wala kang ginagawa? Wala ka man lang sasabihin?

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon