Chapter 200

895K 30.8K 45.2K
                                    

A/N: NO EDIT! Sorry for the wrong spelling and grammar.

Drunk Percy

Jay-jay's POV

Ayokong mag-inom ngayon. Wala akong gana at mas gusto kong isipin ng mabuti yung sinabi ni Ella sakin kanina.

Nagkamali sya...

Sa pagkakamali nya, nawala yung taong talagang mahal nya. Nawala na sa kanya si Aries sa pag-aakalang si Yuri pa rin ang mahal nya.

Ayoko sanang pakinggan ang mga sinabi nya. Anung paki-alam nya sakin at anung paki-alam ko sa kanya? Tapos masyado pa akong naa-apektuhan ng sinabi nya tungkol sa Section E.

Haaizztt!! Asar naman kasi!

"Isha pa!" Sigaw ni Percy dun sa bartender. "...Ilabassshhh mo... lahat ng mahal... nyong... alak!"

Napapailing nalang ako sa itsura nya. Konti lang daw iinumin nya. Eto yung konti nya, lasing na sya.

"Tama na yan." Sabi ko at akmang kukuhanin ang baso nya pero agad nyang nilayo yun.

"Wag!... Wag... Akin tu! You get yours." Sabi nya at tinuro nya ang alak sa istante.

Umiling ako sa Bartender para sabihin na hindi ako humihingi ng alak. Feeling ko nga nakikilala nya ko eh. Panay kasi ang tingin nya sakin.

Sabagay, ilang gabi pa lang naman ang nakakalipas buhat nung huling punta ko. Kayalang naman ako bumalik ngayon dahil dito sa kasama kong baliw.

"Nagmahal... Nashaktan... Nag-nom..." Sabi nya habang pabagsak ang ulo.

Wala na... Bulol na!

Nahihiya na ko sa mga taong pinagtitinginan kami. Bukod kasi sa ang ingay-ingay nya ang gulo-gulo din nya sa kinauupuan nya.

"Jay..." Tawag nya sakin. "...Nagmahal ka naba?"

Parang hindi nya alam yung sagot ah?

Hindi na ko sumagot. Hinayaan ko nalang syang magpatuloy. Muka kasing maglalabas na sya ng sama ng loob.

"Akala ko... tatanggapin pa rin... nya ko." Nag-simula ng bumagsak ang luha nya. "...A-ayaw nya sakin."

Kumuha ako ng tissue na malapit lang samin. Inabot ko yun sa kanya at kinuha naman nya para punasan ang luha at sipon.

Muli syang sumenyas sa Bartender ng isa pang alak. Sinalinan sya nito sa baso.

"Huli na yan. Wag ka na umorder." Sabi ko at nginitian nya ko.

"Concern ang kapatid ko sakin." Pang-aasar nya.

Hindi noh! Ayoko lang magbuhat ng lasing.

Inirapan ko nalang sya at sandaling tumingin sa dance floor. As usual, marami pa ring tao. Nagsasayaw kasabay ng malakas na music.

Binalikan ko ng tingin si Percy at kasalukuyan nyang tinititigan ang basong hawak.

"Ang ganda nya..." Seryosong sabi nya. "...ang ganda-ganda nya."

Ako ba yon?

"...Nung unang beses ko syang makita, sabi ko 'magiging akin sya'. Hindi naman ako nabigo..." Ngumiti sya na parang kaharap nya yung sinasabi nya. "...nagpa-practice sila ng sayaw nun tapos natanggal yung ipit nya sa buhok. Tumalsik sa paanan ko. Balak ko sanang iuwi kayalang nakita nya ko."

Mukang ang lakas ng tama nya kay Freya.

"...Ang ganda nung boses nya nung kinausap nya ko..." tinungga nya yung basong may alak. "...Ang tagal ko syang pinagmasdan. Naging stalker pa ko ng ilang linggo bago nagkalakas ng loob." Bahagya syang tumawa. "...dun ko nalaman na marami pala kaming may gusto sa kanya."

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon