Chapter 138

852K 33.3K 12.4K
                                    

Love Hurt

Jay-jay's POV

"Kamusta si Mayo?" Tanung sakin ni Edrix paglabas ko ng clinic.

"Ayun... Inaasikaso nung Nurse."

"Tsk! Lakas ng suntok mo. Dinaig mo pa yung suntok ni Kit sa kanya." Sabi nya habang napapa-iling.

Serre ne nge!

"Ginalit nya ko eh." Katwiran ko pero pinagtawanan lang nya ko.

Naupo ako sa waiting area sa labas lang ng clinic. Sumunod naman sakin si Edrix. Ayoko pang bumalik sa room. Sure akong tatadtarin lang ako ng tanong ng mga luko.

"Anu bang pinag-aawayan nyo ni Mayo?" Tanung nya sakin.

"W-wala... Basta! Magulo kasi.." Sagot ko at umiwas ng tingin.

Mukang nakuha naman ni Edrix ang gusto kong sabihin. Hindi na sya nagtanung at tumahimik nalang.

Narinig kong tumunog ang phone nya. Kinuha nya yun at nakita ko agad ang muka ni Freya na wallpaper nya.

Haizt! Yung sinabi ni Kiko.

"May bago na naman sya'ng boyfriend." Sabi ni Edrix at hinarap sakin ang phone nya.

Facebook post ni Freya, kasama ng isang gwapong lalaki. May caption na, 'My new love once.😍😘'.

Nice!

"Pangarap ko to..." Halos pabulong na sabi ni Edrix. "...Yung iPost nya yung picture namin at ipagsigawan na ako yung pinaka-mamahal nya."

Ramdam ko yung sakit at hirap sa mga sinasabi nya. Ganu kaya nya katagal na tinago yung feelings nya para kay Freya?

"S-sinubukan mo na bang lumapit sa kanya?" Tanung ko.

Agad sya'ng umiling habang nakatingin sa cellphone nya.

"Hindi ko kaya... Galit nga sya sa mga Section E diba?"

Oo nga pala. At mukang nagatungan pa yung galit na yun nung dumating ako at nakabangga ko sya.

"Kung kaya lang sana kita'ng tulungan sa kanya. Kaso magka-away kami eh." Sabi konat nagpilit ng ngiti.

Ganun din ang ginawa nya sakin. Hindi ko rin naman sya tutulungan kung nagkataon na hindi kami magka-away. Hindi ko pa alam kung anu yung totoo'ng nangyari kila Freya, Yuri at Keifer.

"Ang hirap ma-inlove no?" Tanung ng kung sino.

Agad kaming napatingin sa pinto ng clinic. Nakatayo don si Mayo habang may hawak na tissue at ice bag.

Naupo sya sa tabi ko. Nakapagitna na ko sa kanila ngayon.

"Haaayyy... Sakit ng suntok mo Jay." Sabi ni Mayo sakin.

"Kasalanan mo naman... Ginalit mo ko." Sumbat ko sa kanya.

Bahagya sya'ng tumawa. Nagtinginan pa kami ni Edrix. Baka kasi naaaning na si Mayo o kaya naman naalog ang utak sa suntok ko.

"Sorry... Hindi ko sinasadya'ng sabihin yun. Iba ka kay Ella, hindi kayo pareho." Sabi nya at ngumiti sakin.

Iba ako sa kanya...

"...Nadala lang ako ng galit ko." Dagdag nya.

"S-sorry din kung sinuntok kita." Sabi ko at ngumiti din sa kanya.

"Okay na! Bati na kayo'ng dalawa." Sabi ni Edrix at tumayo. "...Pumasok na tayo."

Tinignan ni Mayo yung oras sa cellphone nya. Pati ako nakitingin na rin. Medyo matagal na rin pala kami'ng nakatengga dito.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon