Chapter 195

850K 30.6K 33.5K
                                    

A/N: Sorry for the wrong grammar and spelling.

Serious na si Jay-jay dito. Promise!

Nasan na yung may mga galit kay Keifer? Hahahaha...

Old Jay-jay

Jay-jay's POV

Malakas ang music, sa sobrang lakas hindi ko na naririnig ang sinasabi ni Percy. Nakatingin lang ako sa kanya habang patuloy sya sa pagsasalita.

Talagang bang may sinasabi sya?! Parang bumubuka lang yung bibig nya.

"ANO?" Tanung ko sa kanya.

Nilapit nya ang muka nya sakin at nagsalita na naman pero hindi ko talaga sya marinig. Sinamaan ko sya ng tingin.

Buka lang ng buka yung bibig nya, wala namang boses! Hayop!

"Gago ka! Sisipain kita!" Banta ko sa kanya at tumawa naman sya ng malakas.

Buti pa yung pagtawa nya naririnig ko. Kung hindi ba naman kasi abnormal tong isa na to. Ang lakas nya mantrip ng kapwa.

"WOOOOOHHHHH!!" Malakas na sigaw ng mga tao ng mag-isa ang music.

Nasa Kingsground kami ngayon. Sa disco na part hindi sa underground. Si Percy ang nagdala sakin dito, sabi nya maganda daw maglabas ng sama ng loob dito.

Napatingin kami sa palapit na lalaking naka-itim. Ang laki ng katawan nya at may suot na gold chain necklase.

Bouncer!

"Pinapatawag kayo sa taas!" Sabi nya at tinuro ang opisina ni Tiger.

Nagtinginan muna kami ni Percy bago sumunod sa kanya papunta dun sa opisina ni PPAP. Kagaya dati hagdan ang tanging daan papunta sa opisina nya. Pagpasok namin sa loob, nakatayo si Tiger sa tabi ng malaking bintanang salamin kung saan kita ang mga tao sa baba.

Hindi kagaya sa baba na malakas ang music, dito walang kahit na anung ingay.

"Boss." Sabi nung bouncer at humarap samin si Tiger.

Anak nang tipaklong!

Ayos talaga pumorma ang isang to. Naka-short lang sya na may design pa ng araw at payong. Naka-tsinelas na beachwalk at sandong kupas sa kulay. May suot din syang buleg na sumbrero.

Summer na summer ang get up!

"Jay-jay!" Bati nya sakin at akmang yayakapin ako.

Agad akong lumayo ng makita ko ang mala-gubat nyang kili-kili dahil sa tayog at haba ng buhok. Putik! Bawasan man lang sana. Nakakadiri na ang dating sakin.

"Bakit? Wag kang mag-alala, mabango ako kahit hindi ako naliligo." Sabi nya at tumawa.

Kadiri talaga!

"Wala kang pinag-bago Tiger." Singit ni Percy kaya sa kanya lumipat ang atensyon nito.

"Isa ka dun sa alaga ni Angelo dati..." Sabi nya at ngumiti. "...Anu nga ulit pangalan mo?"

Napakamot ako sa ulo. Hindi talaga sya matandain sa pangalan. Kahit noon, inabot din sya ng syam-syam bago maalala pangalan nila Aries.

"Percy." Inis na sagot nya.

"Ahh tama... Perting!" Sabi ni Tiger at tumawa.

"Percy." Ulit nya pero tinawanan pa rin sya ni Tiger.

Aning talaga!

Napatingin ako sa malaking salamin. Muka kasing sobrang saya ng nga tao sa dance floor. Nakikisabay sila sa malakas na music at patuloy sa pagsayaw na parang walang kapaguran.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon