Chapter 164

798K 30.8K 25.5K
                                    

Galawang Ulupong

Jay-jay's POV

Sakit sa baga! Pero bakit? Panu?

Wala ako'ng naintindihan sa pinag-usapan nila Tita Gema at nung doctor. Damage tissue keneme lang ang narinig ko.

Kailan pa kaya yun?!

"Jay..." Tawag sakin ni Keifer. "...A penny for your thoughts."

"Huh?!"

"Yun na naman ba iniisip mo?"

Umiling ako. Alam kong si Yuri ang tinutukoy nya. Nakadagdag din talaga kasi sa pag-aalala ko yung hindi nya pagpasok. Sinubukan ko sya'ng itext o tawagan pero nakapatay ang phone nya.

Pero ang mas pinoproblema ko, yung kay Aries. Akala ko na-ospital sya dahil sa pagkakadagan ng maleta sa kanya. Pero nung sinabi nung Doctor na Lung Problem daw, napaisip ako.

Wala ako'ng maalala na naninigarilyo si Aries. Masipag nga sya'ng mag-jogging sa umaga kaya panung nagkaroon ng Lung problem?

"Si Aries kasi... Nasa ospital." Halos pabulong kong sagot.

"Bakit?"

"Lung problem daw."

Tumahimik si Keifer. Ewan ko pero bigla nalang ako'ng kinutuban. Tinitigan ko sya at bigla nalang pumasok sa isip ko yung 'Second hand smoke'.

"Naninigarilyo ka ba sa harap ni Aries dati?"

"Hindi dapat ako ang tanungin mo dyan. You should ask his classmate. Sila yung madalas nyang kasama." Sabi nya sabay irap sakin. "...beside, nag-smoke lang ako ilang buwan after mamatay ni Percy."

Ibig sabihin hindi na sila magkakasama nun. Pero panu nga nagkaroon ng Lung problem si Aries. Sana naman hindi yung iniisip kong sakit sa baga. Nakakatakot tuloy.

Bigla nalang hinawakan ni Keifer yung kamay ko. "Magiging okay din si Aries."

Ngumiti ako sa kanya pero bigla'ng naging ngiwi ng marinig ko na umuubo si Ci-N.

Parang sya'ng hihikain sa ubo nya. Kasabay ng pag-ubo nya ang pagbigkas nya ng salitang 'Ang sweet'.

Bata'ng kumag!

Pinagtinginan tuloy sya ng mga ulupong. Napilitan akong bumitaw kay Keifer. Alam ko naman na alam na rin nya na may alam si Ci.

Dumating na yung sunod naming teacher pagkatapos ni Sir Alvin. Habang nagka-klase, may pagkakataon na tumitingin ako sa pwesto ni Yuri.

Panu kung bumalik na naman sya sa dati?

Panu kung pinuntahan na naman nya si Leo a.k.a Tiger. Wag naman sana!

May bigla nalang sumipa sa upuan ko. Muntik na kong mapasigaw. Tinignan ko ng masama si Keifer dahil sya lang naman ang katabi ko at pwedeng gumawa nun.

Patay malisya ang luko at nakatitig sa board.

Bakit na naman ba?!

Umayos ako ng upo at bigla nalang umuga yung bangko ko. Hindi na pantay yung paa nung bangko.  Asar naman! Pinilit kong ayusin yun at dahil dun pinagtinginan ako.

"Ms. Mariano? May problema ba?" Tanung nung teacher namin.

"Sorry po. Ayusin ko lang po bangkuan ko." Sabi ko at tumayo.

Nag-nod lang sakin si Ma'am at hinayaan akong ituloy yung ginagawa ko.

Habang nakatayo may bigla nalang humatak sakin. Napairit ako sa sobrang gulat at dire-diretso'ng napaupo sa kandungan ni....Keifer?

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon