Chapter 218

792K 28.6K 37.8K
                                    

A/N: Feeling ko kay Spongebob nagmana si Persing at si Ci-N. Nanood kasi ako habang nagtype.

Happy 3k Members sa aming group

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Happy 3k Members sa aming group. Ganyan talaga kami, we enjoy little things in our groups. Hihihi

Mais! 🌽🌽🌽

Thank you so much Flower ni Sooyoung for this wonderful cover

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Thank you so much Flower ni Sooyoung for this wonderful cover. Can't find your wattyname in my list. Sorry.

Textmate

Jay-jay's POV

It's official! Wala ng kasal na magaganap. Gusto kong nagtatalon sa tuwa at mag-celebrate magdamag kundi lang nagwawala si Kuya sa labas ng kwarto ko.

"Angelo! Tama na!" Awat ni Tita Gema. "...Nakainom ka! Magpahinga ka na!"

"No! I just want to talk to them!" Pagpipilit ni Kuya Angelo.

Naaawa ako sa kanya na hindi ko maintindihan. Ngayon ko lang sya nakitang lasing na lasing. Kapalit ng kasunduan namin ni Yuri ay ang pag-urong ng company nila na tulungan si Kuya.

"Bukas na! Gabi na!" Sigaw ni Tita Gema.

"Now! We need to talk about it now!"

Bahagya kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at sinilip sila. Hirap na hirap si Tita na ipasok sa kwarto si Kuya. May dalawang maid na rin ang tumutulong sa kanya.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Aries. Bahagya din kasing nakabukas yun at nakasilip din sya sa parehong posisyon ko. Para kaming kapitbahay na nakiki-usyoso sa nagwawala.

"Ma!" Sigaw ni Kuya na parang nagsusumamo. "...I failed you again."

Awtsu!

Para akong binato ng bato sa muka. Kung tutuusin hindi naman nya kasalanan. Pero parang dinadala nya lahat ng problema.

"No son. You didn't failed me." Mahinahong sagot ni Tita. "...magpahinga kana please."

Parang kusa ding tumigil ang katawan ni Kuya sa pakikipag-matigasan. Hindi na sya pumalag ng ipasok sya sa kwarto para magpahinga. Medyo matagal sila sa loob bago lumabas yung dalawang maid.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon