Chapter 14: Talk

1.8K 76 8
                                    

Lea

"Anyare sa inyo ni Aga?" Dawn asked, arching an eyebrow, "Pansin ko lang kasi, ni hindi na kayo halos nag-uusap nitong mga nakaraang araw. Unlike before." dagdag pa niya.

I sighed as I took a glance at Aga na nakikipag-usap kay Chard 'di kalayuan sa direksyon namin ni Dawn ngayon. She's right. He's been avoiding me lately and I don't even know why. Para siyang gumagawa ng invisible barrier sa aming dalawa, whenever I tried to go near him, mistula na naman siyang lalayo.

"I don't know, lumalayo siya sa 'kin na para bang mayroon akong napaka-lubhang sakit." I answered while shrugging my shoulders.

"That's weird, hindi naman siya ganyan noon 'di ba?"

"That's the point! Hindi nga siya ganyan noon but now, he's avoiding me and it's driving me crazy!" I said and a devilish smirk formed on Dawn's face upon hearing it.

"Driving you crazy? Sus, bakit, mahal mo ba?" tanong niya, kaagad naman akong umiling dahil doon.

Pinagsasabi nito? "Hindi ah! Saan mo naman nakuha iyan?"

"Ang obvious kaya, Lei! Ang ganda kasi ng ngiti mo whenever he's around, I can also see the spark! Ask Reg and she will answer the same!" aniya, "Tsaka isa pa, may past kayo kaya 'di malabong muli kang mahulog sa kanya, 'di ba?"

Sandali akong natahimik dahil doon, nakakatuwang isipin na minsan ko rin siyang minahal. Mabubuo ba si Sabel kung hindi?

Sabel. He never knew about her, does he need to know? Maybe yes, maybe no. Ano pang saysay na ipakilala ko sa kanya si Sabel at siya kay Sabel kung wala naman si Sabel dito?

But he has all the rights in the world to know. He's Sabel's biological father, fair enough.

"Yeah right, he doesn't even know Sabel." wika ko and when realization finally hit me, nanlaki kaagad ang mga mata ko dahil sa sinabi ko. Shit! Dawn doesn't know about Sabel either!

"Ha? Sinong Sabel?" she asked nang nakakunot ang noo, I smiled nervously at bahagyang umiling.

"Wala, never mind. Sabi ko, nagugutom ako. Let's go grab some lunch?" pag-aya ko, diverting her attention as I changed the topic.

Conscience is killing me so bad, maybe I really need to tell him about her. Kung ano man ang mga nangyari noon, matagal na 'yon. Past is past nga, I've already move on and now, Aga and I are both okay.

"Hi Ags!" bati ko kay Aga nang pumasok ako sa loob ng DR niya, he was taken aback upon seeing me pero kaagad ding nakabawi.

"Hi L— lei." he said, stuttering.

"Uuwi ka na ba?" I asked him, tumango siya as he glanced down at his wristwatch, probably, checking the time.

"Yup, I promised Chiara na sabay kaming kakain ng dinner ngayong gabi." he answered na ikinangiti ko, hindi siya naging Ama kay Sabel but at least, naging mabuting Ama naman siya kay Chiara.

Chiara. She also don't know na ang Sabel na ipinakilala ko sa kanya ay kapatid niya mismo, half-sister, to be exact.

"Gano'n ba? Sayang, gusto pa naman kitang makausap, maybe some other time na lang.." wika ko at akmang tatalikod na upang lumabas ng DR niya but he grabbed my left arm kaya kaagad naman akong napatigil at napaharap sa kanya.

"Maaga pa naman, I guess we can talk."

The silence between Aga and I is eerily distracting. Usually, kapag kami ang magkasama, we will always end up laughing our hearts out but now, para kaming namatayan— well, not literally.

A Love To Remember Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon