Chapter 59: Eleven-eleven

2.5K 123 56
                                    

Lea

I was humming while breastfeeding Lhia dito sa kwarto sa loob ng bahay, they're being wild downstairs kaya kailangan kong umakyat muna dito sa taas para tahimik at tuluyan na ring makatulog 'tong bunso ko.

"TITA LEA! TITA LEA!" bigla akong naalarma when I heard someone screaming my name, napasilip ako sa pintuan at dahil nga bukas ito, nakapasok kaagad si Kallie na pinagpapawisan at halatang kinakabahan.

"What happened?" tanong ko, she gulped as she look at me with worrying eyes.

"Ti--tita, si Chiara po." bumilis kaagad ang pintig ng puso ko upon hearing Chiara's name, I'm panicking inside at gustong-gusto kong tumakbo pababa to see what happened but I can't dahil karga-karga ko nga si Lhia so I remained calm as I can.

"Anong nangyari sa kanya?" tanong ko ulit, halos mangiyak-ngiyak na si Kallie dito sa harapan ko, huwag naman sana..

"She's in pain, she can't breathe properly at parang tinutusok daw po ang tiyan niya. Tita si Chiara, si Chiara." wika niya na ikinanlaki ng mga mata ko, yumuko muna ako to see Lhia at mabuti na lang, tulog na siya.

"Kall, ca--can you hold her for awhile?" I asked, kaagad naman siyang tumango at lumapit, dahan-dahan kong inilayo si Lhia sa' kin at binigay kay Kallie.

Inayos ko muna ang damit ko bago tumakbo palabas ng kwarto at dumiretso pababa, mas trumiple ang kaba ko upon hearing their voices at tila nagkakagulo na sila.

"Daddy it hurts! Daddy masakit, ang sakit-sakit!" parang pinipiga ang puso ko ng ilang ulit ng marinig ko ang mga sigaw ni Chiara.

I saw them and the scenario is killing me. Seeing Chiara sitted at a chair habang pina-paypayan siya nina Dawn at Kate, Sharon's behind her at tinatali ang buhok nito pero 'di niya magawa ng maayos dahil galaw ng galaw si Chiara, Analaine's trying to wipe her sweats away.

Aga, Aga is kneeling in front of Chiara, saying some words to console her, to ease the pain but it's no help at all.

"Daddy hindi ko na kaya. Daddy pagod na ako." ani nito at dun na kusang tumulo ang mga luha ko, I ran to their direction at kaagad na lumuhod din sa harap niya and held her hands.

"Sshh Chia don't say that, labanan mo Ate, labanan mo. You're a fighter, I know you can do it!" wika ko, ni hindi ko magawang makatingin sa kanya ng diretso because pain is visible in her eyes and I can't afford seeing her like this, parang ako iyong pinapatay.

"Ma-Mama.." bulong niya, tumayo ako at niyakap siya as I rub her back.

"Sshh Mama's here Ate, tama na, sshh.." I whispered, still crying.

"Nandito na ang sasakyan!" I heard Richard yelled, kaagad akong bumitaw mula sa pagkayakap kay Chiara dahil bubuhatin siya ni Aga papasok dun.

"Who's going to drive?" aligaga kong tanong as I wipe my tears using my fingers, Aga carried Chiara papasok sa backseat at pumasok na din siya doon sa loob.

"Si Chard, ako na ang sasama and we'll bring Lhiara with us!" natatarantang sagot ni Dawn, napakagat labi ako at sumunod na rin papasok sa loob, sa tabi ni Chiara na pilit pinapakalma ni Aga.

"Ayaw ko na po, ang sakit-sakit na. Daddy ang sakit-sakit na. Ayaw ko na." she kept on uttering words like that, ni hindi ako makapag-salita at tulala lang habang nakatingin sa kanila.

Dawn entered the car with Lhia in her arms and that's the cue for Chard to start the engine. Buong byahe, wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak lang habang nakatingin kay Chiara. My body's numb enough to do something useful and it pains me seeing my daughter in this situation.

A Love To Remember Where stories live. Discover now