Chapter 46: Not her Fault

2.1K 104 37
                                    

Chiara

Sa oras na 'to, hindi ko alam kung ano ang mas masakit. Ang tiyan ko na napakasakit o ang iniwan ako ni Lea sa kabila ng lahat.

Mali ang mga narinig niya.. I didn't mean the words that I've said, sinabi ko lang iyon for Mommy Clara's satisfaction, she misinterpret everything and didn't even cared to listen to me.

Sabagay, kahit ako ang nasa posisyon niya, masasaktan rin ako. All she thought, I broke her trust but in fact, I didn't. I was just trying to save her from Mommy's evil plans pero ako pa itong lumabas na masama.

Napangiwi ako ng mas lalo pang kumirot ang tiyan ko, what the fuck is the problem out there? Should I really consult a doctor by now? Pero.. natatakot ako.

Well, bahala na! I'll just sleep this off hoping na paggising ko, magiging maayos rin ang lahat..

Umakyat na lang ako sa taas upang magpahinga sa hotel room ko habang sapo-sapo pa'rin ang nananakit kong tiyan.

___

Sunday morning came at maaga pa kaming umalis sa resort ni Tito Miguel, kina Eros na ako sumabay because Lea's glares is killing me, kung nakakatunaw lang talaga ang nga titig, kanina pa ako nawala sa mundong ito.

Ngayon, tahimik lang akong nakaupo sa poolside habang nakatampisaw ang dalawang paa ko sa tubig, with my earphones on, listening to Sara Bareilles's song, Brave.

"But I wonder what would happen if you
Say what you wanna say
And let the words fall out
Honestly I wanna see you be brave
With what you want to say
And let the words fall out
Honestly, I wanna see you be brave
I just wanna see you
I just wanna see you
I just wanna see you
I wanna see you be brave!"

Nakakatawa lang, I'm Chiara Isabel, kilala ako for being strong, brave, and always standing up for myself. Ilang beses na akong masali sa gulo, cat fights or whatever, pero bakit sa gantong pagkakataon, umuurong ang dila ko? I can't even fight for my own sake!

Kung gugustuhin ko, matagal ko na sanang sinabi sa kanila na ako si Sabel but I can't.. I lack courage to do so.

"Chiara!" literal na napataas ang kilay ko ng may biglang humila sa earphones ko, lumingon ako only to see Alysse who looks fuming mad. First time ko siyang makita ng ganto, problema niya?

"What the heck is your problem?" singhal ko sa kanya.

"Ikaw, ikaw ang may problema! One of the maids confessed to me at alam mo kung ano ang sinabi niya? Sinabi niya ang kademonyohang ginawa mo, Chiara! She told me kung paano mo siya inutusan na ihulog ang paso patungo sa direksyon ni Mommy and then there you are, nagpanggap ka pang hero para ano? Magsisi si Mommy? What the hell Chiara? Ano bang problema mo kay Mommy?" she yelled, aba, ang hinayupak na iyon! Pagkatapos ko siyang bayaran, ganto ang gagawin niya sa' kin? Aamin rin pala siya? Walang kwenta.

I scoffed, "O, ngayong alam mo na, ano pang hinihintay mo? Isumbong mo na ako." I said nonchalantly at akmang ibabalik na ulit ang earphones ko but suddenly, Alysse pushed me kaya nawalan ako ng balanse at nahulog sa pool.

What a dimwit! Seriously? Ang cellphone ko, nabasa and for sure, sira na 'to! Lecheng Alysse, sinusubukan talaga niya ako eh 'no?

"Talagang isusumbong kita! You did all the worst things to my Mom na walang ginawa kundi intindihan ka at mahalin ka!" wika niya and now, she's crying habang dinuduro pa ako. At siya pa talaga ang may ganang umiiyak? Wala pa nga akong ginagawa sa kanya, umiiyak na siya? Paano pa kaya kung meron na?

I didn't mind her words at pumunta sa kabilang dako ng pool upang umakyat at makaahon, ng tuluyan na akong makaahon, I looked at Alysse wearing my blank expression.

'Wag na 'wag niyang uumpisahan dahil 'di niya magugustuhan ang magiging katapusan ng kagagawan niya.

"Mommy mo Alysse? Mommy mo? Stop your fantasies and let me tell you this, hindi ikaw ang tunay na anak nina Daddy. You're not Sabel." nakangising wika ko, making her eyes widened in surprise.

Naging mabait siya sa' kin all throughout her stay dito sa bahay and I shouldn't be telling her this but she force me to do so.

"What are you talking about?" tanong niya at pinukulan ako ng masamang tingin.

"Everything is planned, Alysse. It's true na adopted ka nga daw ng pamilyang Imperial, your Tita, Nari's her name, right? Binayaran siya nina Mamita at Mommy to lie to you, to make you believe that you're Lea and Daddy's daughter. Cool, right? With the power of money, anything can be possible so kung ako sa'yo, huwag kang illusyunada. Know your place dahil kung gusto ko, matagal na kitang pinaalis sa pamamahay na ito." I told her seriously na ngayo'y mangiyak-ngiyak lang habang nakatingin sa' kin.

"Hindi totoo iyan! You're a liar! Liar! Sinungaling ka Chiara!" sigaw niya sa' kin at unti-unting umatras at dahil dakilang kontrabida naman ako, tinawanan ko lang siya. She looks so pathetic.

"O edi bahala ka, ayaw mo maniwala? Edi huwag. I'm telling you, ngayon pa lang, tanggapin mo na ang katotohanan dahil kapag tumagal, mas lalo ka lang masasaktan." I said at umiling-iling pa to annoy her. See? Wala rin naman pala siya eh. So weak.

"Isusumbong talaga kita kay Mommy! Sisiguraduhin ko na magagalit sa'yo si Daddy to the point na itakwil ka niya bilang anak niya!" sambit niya na ikinairap ko, empty threats, threats, threats. As if I'm scared.

"Go on. Tell them, hatid pa kita, gusto mo?" pag-aya ko, she glared at me once more at akmang tatakbo na pero biglang nanlaki ang mga mata ko ng madulas siya dahil basa ang sahig 'causing her to pass out.

Shit. Shit. Shit. May du--dugo. What the heck. Shit.

Para akong naestatwa sa kinakatayuan ko, parang nawala ang dila ko dahil ni hindi man lang ako nakasigaw upang humingi ng tulong. My whole body is shaking while looking at her, what am I going to do now?

"ALYSSE!" para akong binuhusan ng malamig na tubig when someone yelled, calling her name. S--si Lea.

I was too shocked na hindi ko man lang napansin na nakarating na pala siya sa gawi ni Alysse, crying while looking at her na ngayo'y walang malay, she then looked at me with blazing eyes.

"What did you do this time, Chiara?!" pasigaw na tanong niya sa' kin and anger is evident at her voice, I was taken aback na hindi man lang ako nakasagot bigla. Na hindi ko man lang naigawang ipagtangol ang sarili ko.

"Oh my God, Aly!" rinig kong sigaw ng isa pang boses, followed by another one and another.

Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko, my eyes started to water as I kept on uttering words that I'm sorry.

Bullshit, why am I even saying sorry?! Wala akong ginawa, that was an accident!

*PAK!*

Nabalik lang ako sa ulirat when someone slapped me na sa sobrang lakas, napaupo ako sa sahig habang sapo-sapo ang pisngi ko.

"Kapag may nangyaring masama sa anak ko, magkakamatayan tayo Chiara. Mark my words." malamig na wika ni Lea, I tried to say something pero walang kahit ni isang salitang lumabas sa bibig ko, all I did was to cry while looking at their figures na ngayo'y palayo ng palayo na sa direksyon ko, I even saw Eros looking at me and dissapointment is all over his face.

I didn't do anything. Hindi ko kasalanan iyon. It was all her fault pero bakit ako ang sinisisi nilang lahat?

Napahaguhol na lang ako, once again, they didn't cared to listen to me. Ni hindi man lang nila ako tinanong ko ano ang nangyari at ang sakit sakit.

I bit my lower lip ng biglang sumakit bigla ang ulo ko as my visions started to became blurry and slowly.. everything went pitch black.

* * * * * *

A Love To Remember Where stories live. Discover now