Chapter 19: Maria Clara

1.5K 60 5
                                    

Lea

I was pacing back and forth not until someone pulled my hair, making my eyes widen in surprise. What the hell?

"Walang hiya ka talagang babae ka! Ang kapal ng mukha mong magpakita rito pagkatapos mong lasunin ang pamangkin ko? Desperada ka na ba talaga sa kapatid ko at pati si Chiara, dinamay mo pa?" Kate hissed while pulling my hair, napangiwi ako kasi halos matanggal na ang buhok ko sa anit nito sa sobrang higpit nang pagkahawak niya.

"Let me go!" wika ko pero mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkahila sa buhok ko kaya napaupo ako sa sahig.

We're at the hallway of this hospital, we are gaining attention— pinapalibutan na kami ng maraming tao and no one even cared to help?

"Ba't ka pa kasi buma—" she didn't even finished her statement 'cause someone pulled me away from her.

"Isa pa Kate, sige, at ako ang makakalaban mo." Aga said seriously, holding my arms as he pulled me up and hugged me tightly asking if I'm all right. I'm too speechless to speak kung kaya't tumango na lang ako.

"Seryoso, Kuya? Siya pa ang kakampihan mo? Kuya, si Chiara, anak mo 'yon na nalason dahil sa babaeng 'yan!" lintaya ni Kate habang dinuduro-duro pa ako.

She doesn't have any idea kung ano ang nangyari, shame on her for jumping into conclusion without even thinking.

"Hindi ko nilason si Chiara." giit ko, she arched an eyebrow at me and smirked.

"O, talaga? How I love listening to lies especially when I know the truth." mapanuksong tanong niya. She kept on insisting na nilason ko si Chiara kahit na alam ko sa sarili kong hindi ko ginawa 'yon.

Why would I even do that in the first place? I don't have any intentions against Chiara, napamahal na sa 'kin ang batang iyon.

"Stop it, Kate!" suway sa kanya ni Aga, his voice is furious and I can feel him shaking. He's angry.

Napansin din ata iyon ni Kate as she composed herself and threw me a glare, "Kapag may nangyari sa pamangkin ko, humanda ka." she said at tuluyan nang naglakad palayo sa amin, I sighed in sympathy as I broke our hug and eventually fixed my hair.

"She hates me that much." wika ko.

"I'm sorry, may lahing palengkera lang talaga 'yang kapatid ko." Aga said, calming himself. I forced a smile, kahit hindi niya sabihin, alam kong pati siya, sinisisi ako sa nangyari kay Chiara.

"Galit ka ba sa 'kin?" I asked, mariin naman siyang umiling at kunot-noong tinignan ako.

"Of course not, why did you say so?" aniya.

"Kahit saang angulo mang tignan, lumalabas kasi na ako ang lumason kay Chiara even tho I didn't." sagot ko.

"I'm not blaming you, babes. I know you didn't poisoned Chiara, sino ang tanga na gagawin ang bagay na 'yon kung gano'ng alam niyang siya ang pagbibintangan in the first place?" he said while smiling, exposing his dimples.

Ngumiti na rin ako at niyakap siya ulit, "Thank you.."

Sana, walang mangyaring masama kay Chiara. I hope she's fine.

"Mabuti na lang at kaagad siyang naagapan. All we have to do now is to pray for her immediate recovery, nawa'y magising na si Chiara nang mapanatag naman ang loob ko na okay na siya." Kate said habang inaayos ang kumot na nakatakip sa katawan ni Chiara, who's still fast asleep.

I was just looking at her habang nakasandal sa balikat ni Aga, the both of us are sitting at the couch while Kate and his son, Eros, are both sitting at the chairs beside Chiara's bed.

Fortunately, Chiara was saved from distress and yes, nalason nga siya. Kung nanggaling sa pagkain na kinain namin ang lason, how come na siya lang ang nalason at kami ni Aga, hindi?

Was it intentionally made or what? Kung oo, sino naman ang may gagawa 'nun? 'Yan ang pinagtataka ko, it's been bothering me since earlier.

"Go home, Kate. Kami na ang mag-babantay kay Chiara." utos ni Aga sa kapatid pero parang wala naman itong narinig.

"Whatever you say, Kuya. 'Di ako aalis hanggang sa 'di nagigising ang pamangkin ko." giit niya at bahagyang tumingin pa sa 'kin tsaka inirapan ako, 'di ko na lang siya pinatulan pa at baka magkagulo na naman.

"Tito, Tita Lea, Mama." kaagad kaming napatingin kay Eros nang tawagin niya kaming tatlo.

He's now a man, naalala ko pa dati, I was the one who's changing his diapers kapag dinadala siya ni Kate sa bahay pero look at him now, binata na siya.

"Ano 'yon?" Kate asked softly, tumayo si Eros as he went to the side table at kinuha ang bag ni Chiara, then he gave it to Aga na ikinakunot ng mga noo namin.

"I opened Chiara's bag earlier nang mag-ring ang cellphone niya and there's something inside na sa tingin ko... makakasagot sa mga katanungan niyo." he said seriously. I don't even know why pero biglang kumabog ang dibdib ko dahil sa sinabi niya.

Aga curiously opened Chiara's bag, tutok na tutok lang kami na nakatingin ni Kate at Eros sa kanya not until he raised something in mid air.

"Lason.." mahinang bulong ko at tinignan si Aga na ngayo'y mariing napapikit, kahit ako, 'di makapaniwala sa nakita ko. Did Chiara poisoned herself? Intentionally?

Aga was about to speak not until the door opened, revealing a sophisticated woman wearing a red above the knee tube dress. She immediately rushed towards Chiara's direction. Sino siya?

Napatingin ako kay Aga who have the same expression as mine while Kate on the other hand was also looking at the girl and they both have faces na para bang 'di makapaniwala sa kanilang nakita.

Sino ba kasi siya? Do they know her?

"Clara..." Aga whispered na ikinanlaki ng mga mata ko. Cl.. Clara?

Siya si.... Clara?

* * * * * *
Note: To be clear po, kilala po ni Lea si Clara sa pangalan lamang.

A Love To Remember Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon