Chapter 49: But..

2.8K 117 48
                                    

Lea

We all look like complete idiots, running at the side of the road during this time of the day. It's almost 10:00 pm kaya medyo madilim na rito but the lampposts provides enough light for us. Napapagod man, takbo ng takbo lang kaming tatlo.

I'm breathing heavily while running, dala na rin ng pagod at sobrang kaba sa kung ano na ang nangyari kay Chiara, I won't be surprise if I ended up unconscious later.

Lumiwanag ang mukha ko upon seeing their house meters away from us, Aga's still in front and Analaine's behind me, mas binilisan pa namin ang ginawang pagtakbo since we're near the finish line.

"What the heck? Nababaliw na ba kayong tatlo?" rinig kong sigaw ng isang tinig kaya sabay naman kaming napalingon sa kabilang gawi ng daan, there we found Kate with her husband na nakangiwing nakatingin sa amin, "May fun run ba?" dagdag pa nito but none of us managed to answer, instead, tuluyan na kaming pumasok sa loob ng bahay nila.

"Is Chiara here?" nahihirapan man sa paghinga, nagawa pa rin iyang maitanong ni Aga sa isa sa mga katulong na siyang nagbukas ng front door para sa'min.

"Opo Sir." sagot ng katulong, I don't know what to feel upon hearing that, gusto kong huminga ng maluwag knowing that Chiara's here but I still can't.. kinakabahan pa rin ako.

"Upstairs." wika ko at as if on a cue, nagtakbuhan naman ulit kaming tatlo paakyat, leaving the curious maid behind.

Nang tuluyan na naming marating ang kwarto ni Chiara, Aga attempted to open the door but it's lock, he tried numerous times pero nakalock pa rin ito kahit anong gawin niya. Sa sobrang taranta, hindi niya na alam ang susunod na gagawin.

"Idiot! Go get the key!" sigaw ko at mukhang nahimasmasan naman siya dahil dun, he immediately made his way downstairs habang kami naman ni Analaine, nakatayo pa rin sa harap ng pinto.

"Chiara? Chiara? It's me, your Tita Analaine. Open the door please? Chiara?" Analaine called out while knocking but no one's answering, parang trumiple naman ang kaba ko dahil dun.

Shit. I hope she's alright at sana hindi totoo ang iniisip ko na baka, baka... may nangyari ng masama sa kanya sa loob. I hope so not.

"Here!" Aga came back holding a key, kaagad namang tumabi si Analaine kaya tuluyan ng naipasok ni Aga ang susi sa doorknob.

My heartbeat is beating uncontrollably to the point na anytime from now, it might burst out. My eyes is starting to water and because of the fluid, my visions became blurry.

Tila tumigil ang ikot ng mundo ko, Aga opened the door at kaagad naman akong napahawak sa bibig ko at nagsimula ng humagulgol upon seeing Chiara na ngayo'y, nakahiga sa sahig at walang malay, there's blood everywhere kaya parang nawalan naman ng kulay ang mukha ko sa nadatnan.

No.. this can't be.

"Chiara.." mahina kong bulong while crying at unti-unting napaupo sa sahig, even Analaine is crying while looking at Chiara and Aga who's frozen at his spot for a moment. None of us dared to move.

Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak lang ng umiyak upon looking at her lifeless body. Kasalanan ko 'to, kasalanan ko 'to. This is all my fault.

"Kanina fun run 'tas nga--- OH MY GOD!" rinig namin ang sigaw ni Kate followed by footsteps coming to our direction.

"Shit. Chiara! Ano ba kayo, call an ambulance! Bilis! Shit." she said with horror at dun na kami naalarma, Aga immediately went inside but my body's too numb to move kaya nanatili lang akong nakaupo sa sahig while looking at them, panicking, yelling at each other, and running around to call for help.

A Love To Remember Where stories live. Discover now