Chapter 29: Mamita

1.5K 66 15
                                    

Chiara

Tahimik lang akong nakaupo sa bench dito sa mini-playground ng orphanage na ito habang nakatingin kina Daddy at Lea na naghaharutan-- nakik-paglaro sa mga bata rather, together with Mara na kanina pa tawa ng tawa.

Edi sila na masaya! Hello, may tao dito! Sana talaga hindi na lang ako sumama, I can always ask Tita Kate tickets for Harry's concert, pagbibigyan naman ako 'nun eh, everything happened so fast earlier that I ended up saying yes without even thinking. Bribery works so shame on me for that.

"Para silang kompletong pamilya, ano?" I lifted my gaze when someone spoke, a girl at my age greeted me at ka pansin-pansin talaga ang buhok nito na maayos na naka-braid. Sino naman 'to?

"Excuse me?" patanong na wika ko, she's trying to have a conversation with me, close ba tayo? Ugh, how I hate those kind of people.

"Sorry, ako nga pala si Anika." she said as she offered her hand for a handshake, tinignan ko lang siya habang nakataas ang isang kilay ko at hindi kumibo. 

After seconds, finally, napansin niya rin na wala akong planong makipag-kamay sa kanya kaya binawi niya na lang ang kamay niya at alanganing ngumiti.

"Tignan mo o, ang saya-saya ni Ms. Lea kasama si Sir Aga at Mara, grabe, nakakainggit naman si Mara, ang swerte niyang makasama silang dalawa." wika nito at umupo sa tabi ko, malaki pa ang espasyong natira kaya umusod ako palayo sa kanya at tinignan lang siya habang nagsasalita.
"Parang anak nilang dalawa si Mara ano, lokang iyan, 'di man lang ako sinabihan na close pala sila ni Ms. Lea!" she added making me frown. So, the hell I care?

"Ang swerte siguro ng anak ni Sir Aga ano, si Ms. Lea kasi 'di ba, walang anak pero si Sir. Aga daw meron, sabi-sabi maganda daw iyon pero masama ang ugali." napaayos ako ng upo upon hearing what she said. Kaya pala, hindi niya ako kilala.

At sino naman ang nagpakalat na masama ang ugali ko? Am not!

"Saan mo naman nalaman iyan? Na masama ang ugali ng anak ni Sir Aga?" I asked her na kunyari, wala akong alam.

"Ahh iyon? Ang pamangkin kasi ni Mother Superior na dumadalaw dito paminsan-minsan, kaklase daw niya ang anak ni Sir Aga at ayon sa kanya, masama daw talaga ugali 'nun.." she answered, who the hell said that? 'Pag nalaman ko kung sino sa mga kaklase ko ang pamangkin ng Mother Superior na sinasabi niya, ngayon pa lang, magtago na siya sa' kin!

I composed myself at ngumiti ng pilit kay Anika, "Really? Hindi naman siguro siya purely masama, baka may good side pa naman."

Go Chia, defend yourself pa from these people!

"Baka nga.." iyan lang ang naisambit niya, I shrugged my shoulders at binalik na lang ulit ang tingin ko kina Daddy na until now, nakikipaglaro pa rin sa mga bata.

With Mara's presence, nakalimutan na nilang may Chiara pa dito.

___

"Chia.." nagising ang diwa ko when I felt someone caressing my hair, as I opened my eyes, binungad ako ng nakangiting imahe ni Lea sa harap ko.

Nakatulog pala ako dito? Seriously, how can I even manage sleeping in a bench?

"What?" I asked grumpily at kinusot-kusot pa ang mga mata ko.

"Halika ka, they're at the dining hall already, kakain na tayo ng meryenda." she said, kakain with them? No thanks.

"Hindi pa ako gutom, kayo na lang." wika ko and as if on a cue, my stomach made a rumbling sound, making Lea giggle!

Really? Ngayon pa talaga?

"Sus, you're hungry na and your stomach doesn't lie. Tara na kasi." aniya at hinila ako patayo, I rolled my eyes at nagpahila na lang, I'm really hungry after all.

Pumasok kami sa orphanage at dumiretso sa dining area, there's this long table kung saan kasalukuyang nakaupo ang mga bata. Some of them greeted me pero hindi ko sila pinansin, isnabera na kung isnabera, I'm really hungry.

We went to another table kung saan nakaupo sina Daddy together with the nuns, naupo si Lea sa tabi ni Daddy so I sat beside her since iyon na lang ang available na upuan.

"Anak mo iyan Aga? Ke gandang bata!" one of the nuns commented, Dad looked at her and smiled.

"Opo sister." sagot ni Daddy, sinimulan ko ng kainin ang nasa plato ko though I don't like the foods being served pero dahil gutom ako, aarte pa ba ako?

"Akala ko nga kanina kapatid siya ni Lea eh, magkamukha kasi sila!" sabi pa ng isa making me stop from chewing my food.

I secretly glance at Lea na pangiti-ngiti lang, seriously, kami? Magkamukha? Saan banda?

They continued chatting while eating, natapos na ang meryenda namin and now, it's finally time to go home!

Nakasandal ako sa kotse ni Daddy waiting for the both of them na nagpapaalam pa, ang tagal naman!

"Ate.." napalingon ako when someone called me, or ako nga ba talaga?

A little girl holding a piece of paper approached me, at dahil sadyang mas mataas ako sa kanya, yumukod ako upang magka-pantay kami.

"Yes? You need anything?" tanong ko sa kanya, why am I even talking to this child? Ew Chiara, ew!

"Kanina ko pa po napapansin na nakasimangot ka po simula ng dumating ka dito," paninimula niya making me arch an eyebrow.

"Alam niyo po Ate, ang ganda niyo at sa tingin ko, mas lalo ka pa pong gaganda 'pag ngumiti ka, iyong totoong ngiti po at hindi peke." and that hits me.

Marami na rin ang nagsabi na mas lalo daw akong gumaganda kapag nakangiti. With everything I've been through these past few days, napakahirap na para sa' kin ang ngumiti ng totoo at hindi pilit.

"Talaga?" tumango ang bata at may kinuha siyang nakatupi na papel mula sa bulsa niya as she give it to me, agad ko naman itong tinanggap as she motioned me to open it, so did I.

I gasped upon seeing a sketch of me, sitting at the bench, for Pete's sake, siya ang nagdrawing nito? Ang ganda, it looks like it's been drawn by a professional artist.

"Ikaw ang nagdrawing nito?" I asked her, tumango naman siya in response. Wow! I'm amazed, hindi nga ako marunong magdrawing ng stick figure pero siya..

Somehow, napangiti ako dahil dun and this time, it's a sincere and real one.

"Salamat ah." I thanked her as I lean forward to hug her.

___

"Holy shit." 'di makapaniwalang bulong ko upon seeing a limousine parked outside our house.

Iisa lang ang ibig sabihin nito, she's here.

"Nandito siya Chia?" Dad asked while looking at me thru the rear mirror.

"Looks like.." kinakabahang sagot ko as I bit my nails. I wasn't ready for this!

Si Lea, nagtatakang nakatingin lang sa'ming dalawa. She's staying for dinner which is a good thing at aalis rin siya kaagad pero parang hindi lang si Lea ang bisita namin ngayong gabi.

Dad parked his car at the garage at pagbaba namin ng sasakyan,  binungad kami ng isang maid na tila ba, aligaga.

"Sir, nandito po si Madame, kanina pa po niya kayo hinihintay." she told Dad, so nandito nga talaga siya?

Nauna ng maglakad si Daddy kasabay si Lea as I took a deep breathe before following them, after months, ngayon ko lang ulit siya makikita and why am I even nervous?

Dad opened the front door at sabay kaming pumasok, literal na nanlaki ang mga mata ko upon seeing Mamita and Alysse sitting comfortably at the couch. What the heck are they doing here?

* * * * * *

A Love To Remember Where stories live. Discover now