Foreword

6K 204 25
                                    

"Bagay kayo"

"Kayo ba?"

"Bakit hindi nalang maging kayo?"

"Kayo nalang please"

"Ano ngayon kung mag bestfriends?"

Ganito kadalasan ang naririnig ko mula sa mga taong nagkakilala sa'min  over the 8 years.

Walong taon naming pinanghawakan sa isa't-isa ang aming pagkakaibigan. Thru thick and thin nga daw eh.

"Paano mo napipigilan ang sarili mong hindi ma fall sakanya?"

"Ang sweet niya sayo, galawang mag bestfriends pa ba 'yan?"

"Imposibleng wala kang feelings sakanya"

"Mahal mo na ata kaso natatakot ka lang umibig sa bestfriend mo"

Mapanghusga ang mga tao, nakikita nila ang mga bagay na minsan kahit sarili mo hindi nila makita.

Natatakot nga ba akong masaktan?
Natatakot nga ba akong umibig?
Natatakot nga ba akong mawala siya sakin?

Hanggang kailan mapipigilan ang puso kung bawat tao'y naitutulak ka sa isang bagay na kahit gusto mo ay parang hindi pwede.

Mali, maling bigyang kahulugan ang lahat ng ito. Isang maling gawaing hayaan ang aking sariling madala sa agos na bumabaha sa aking damdamin.

Paasa nga ba siya? O sadyang assuming lang ako?

Ano nga ba tayo? Nais kong malaman.
--

AN:

Abangan ❤

Ano ba tayo? (Book 1 √) Where stories live. Discover now