Episode 36

4.1K 202 122
                                    

Hold me
-
"Oh tubig" sabay abot ni Lexxie ng tubig

at agad ko itong ininom

"Imbyerna na talaga ako sa Kirsten na yan ha! As in sagad na! Ano ba gurl! Ganyan nalang lagi?! Sa pagiging magkaibigan natin ng tatlong taon, ikaw nalang lagi nag-aadjust sa Melbang yan! Hindi ka ba napapagod? pag nakita ko na talaga yang babaeng yan diretso rambulan na!" si Lexxie at kitang kita ko na galit na nga siya

"Hayaan na natin gurl, I know lilipas din ang galit niya sa akin" sabi ko, at pinipilit ko lang na magsalita ng mabuti "Basta gurl, wala kang ibang sasabihan ha? specially Eros, ayoko na pati siya magalit kay Kirsten ng tuluyan"

"May magagawa pa ba ako? basta eto lang gurl ha? hindi ko mapapangako na magiging okay ang resulta pag magkita kami ni Melba, kung hindi mo kaya ipagtanggol ang sarili mo sakanya pwes ako ipagtatanggol kita!" napabuntong hininga si Lexxie at napayakap siya sa akin.

"Tama na nga itong drama natin gurl ha? mag impake ka na dun.. okay? tigilan mo na si Kirsten! Ibabaon ko na talaga sa lupa yun! Tsaka h'wag na h'wag mong maisipang imbitahin si Melba sa Camiguin, Friendship Over tayong dalawa! Kilala kita!" sabay pakita niya sa akin ng kamao niya kaya natawa ko

"Taray ng susuntok sa akin, may manicure oh!" I joked "mag iimpake na" sabay tayo ko at nag martsa papunta sa kwarto ko.

Habang nag aayos ako ng gamit ko ay nag vibrate ang phone ko, may message ako.

Habang nag aayos ako ng gamit ko ay nag vibrate ang phone ko, may message ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hay, kailangan ko talagang paaalahanan ang isang 'to. Hindi ko kasi talaga alam kung anong magiging kakalabasan ng magiging trip namin eh. Naloloka ako, hindi ko talaga alam kung bakit nangyayari 'to. Napalingo na lamang ako.

"Tama na siguro 'to" sabi ko.

Napatingin ako sa wall clock na nasa kwarto ko at nakita ko na alas onse na pala, ang bilis ng oras. Nag ayos na muna ako ng sarili ko at nagbihis ng pampatulog, sana lang talaga mag enjoy ako sa Camiguin trip na 'to, Iwas strees sana Bro.

Kinabukasan ay sinundo naman kami ni Eros para sa trabaho. Sakanya namin ibibilin ang gamit namin ni Lexxie dahil ewan ko ba sa lalaking 'to at talagang umabsent sa trabaho, sabagay tama naman siya na siya ang boss, he only leads and commands, edi siya na!

"Huwag mo na tanggalin iyong gamit ni Lexxie sa sasakyan mo ha? mamaya maiwan mo! Patay ka talaga sa akin!" bilin ko kay Eros habang palabas na kami ni Lexxie sa sasakyan niya

"Ay, buhay pa ba yan gurl? dimo see? patay na patay na yan sayo!" natawa si Lexxie

"That's why I love you Lexxie! The best ka talaga!" natawa si Eros "Be here by 5pm. later! Can't see you sa lunch time" tugon nito at kumindat

Napakaway nalang ako.

"Taray gurl, sigurado ka bang wala pa kayong label ha? parang level up ah! mukhang dati kailangan lang may umamin ngayon iba na, kailangan nalang may label! Diko talaga ngets kung bakit pa kailangan pahirapan niyo pa ang isa't-isa!" napailing siya

Ano ba tayo? (Book 1 √) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon