Episode 32

3.1K 199 78
                                    

A question
-

Hindi na ako nagreply kay Kirsten, papunta na kami ngayon ng opisina at kasama ko ngayon si Lexxie, sinundo kami ni Dominic.

Wala paring paramdam si Eros and I know why, he's sulking at alam ko na sa haba ng pride ng lalaking yun, he needs time.

"Salamat" tugon namin ni Lexxie kay Dominic.

Sa totoo lang nagulat ako sa pagdating ni Dominic sa labas ng apartment namin, muntikan na siyang ma'late pero on time. Hindi ko maintindihan kung bakit pero hindi ko nalang kinuwestyon ang papunta niya.

Mabuti nalang at trabaho week na, may pagkaka'busyhan na ako at mas maganda to.

"Good morning My!" si Trevor

"Uy, good morning Trev" tugon ko "Ay Sir Trevor pala" agad bawi ko

"Good morning Sir Trevor, maganda ang umaga no?" si Lexxie

"Definitely, so I think your friend here needs to smile a bit, more works to come if she doesn't!" si Trevor at natatawa siya

"Nakakaloka, smile gurl! Monday na monday oh kailangan muna natin mag exhale ng bad vibes! Sige ka, ikaw din!" inirapan ko nalang si Lexxie, ang kulit.

"Ewan ko sainyong dalawa!" natatawang tugon ko

Alam na ni Ellise ang lahat ikunuwento na namin ni Lexxie sakanya ang lahat at ikunuwento ko narin ang tinext sa akin ni Kirsten kagabi.

"Talaga iyang Kirsten nayan tititirisin ko yan na parang surot. How dare her?! Ang feeling niya ha, wala siyang lamang sayo girl, narinig mo ako?! Look at where she is? Asa sa mga over the bakod paproject natin sakanya! Kung ano mang natatamasa niya sa viral tvc na yun, dahil sayo yun, Jusko gurl, wag talaga mag pakita sa akin ang Kirsten na yan! ha?!" si Lexxie

"True Dale, yung message niya parang galit pa at talagang sinisisi ka pa niya dahil sa pag cancel ng date? eh baka naman kasi walang yayayaang nangyari?" si Ellise

Nabothered din talaga ako sa tinext ni Kirsten, ano na namang kadramahan ang pinapairal ni Eros at kinansel niya ang date nila? tapos sa akin tuloy ang sisi? Bakit magkakansel si Eros? bakit ako ang dahilan? ni wala nga akong ginawang pag kumpronta kay Eros eh. I tried to look too civil infront of him.

"Dale, napagplanuhan ni Lexxie na mag girls bonding mamaya, pigging out, shopping, paganda, I think you need that"

"Grabeh siya, need talaga! ouch ha" sita ko

"best in reaction? real talk lang kami dito friend, hindi ka namin isusugar coat noh, ano ka?" ngumisi si Lexxie at natawa nalang ako.

Pasalamat nalang talaga ako at kasama ko itong dalawang 'to. Sobrang laki ng pasalamat ko at nakilala ko sila. Nawawala ang stress ko sakanila at talagang feeling ko secured ako lagi, katulad nalang ng security na nafefeel ko pagkasama si Eros, Eros na naman, Mylene Dale?!

Ang totoo, namimiss ko na siya. Sobra! Parang gusto ko nalang kalimutan iyong kasalanan niya sa akin at puntahan siya at makipag-usap sakanya pero alam kong hindi pwede sa ngayon, sa tamang panahon siguro, gusto ko naman kasing marealize niya ang mga dapat niya marealize no. Sana nga.

Kahit may pinagdadaanan ako ay ginagawa ko ang lahat sa trabaho, hindi pwedeng maapektuhan ang trabaho ko. Pagkatapos ko macheck ang mga concept na gagawing TV ads ay nagyaya ng kumain sina Lexxie at nasa labas na sila naghihintay sa akin, Sinara ko na muna ang laptop ko ay tsaka namang tumambad sa akin ang picture frame na naglalaman ng picture namin ni Eros..

 Pagkatapos ko macheck ang mga concept na gagawing TV ads ay nagyaya ng kumain sina Lexxie at nasa labas na sila naghihintay sa akin, Sinara ko na muna ang laptop ko ay tsaka namang tumambad sa akin ang picture frame na naglalaman ng picture namin...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ano ba tayo? (Book 1 √) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon