Episode 37

3.4K 183 48
                                    

I'm watching you
-
(Please read note🙏)

Nakita kong napayuko si Eros kaya bahagya ko siyang sinipa at umalis ng kwarto ko. Nakakahiya! sobra! Mylene fulltime kire yun! Hindi ko kinaya.

"Gurl.." naiiyak ako na natatawa

"Gurl, friendship over na ba tayo?" si Lexxie

"Siraulo ka gurl!" natawa ako at napayakap ako sakanya "buti nalang pala dumating ka!"

"Sa susunod naman mag lock kayo! Nakakaloka!"

"Edi sana kumatok ka gurl!" sabi ko at natawa "Nakakahiya gurl!" napahigpit ang pagyakap ko kay Lexxie sa sobrang hiya ko.

Pakiramdam ko na sa puntong iyon gusto kong mahalin si Eros ng buong-buo walang labis walang kulang. Pero sa lagay ngayon, Ano naba talaga kami? Ang hirap.

"Puntahan mo na kaya si Eros gurl, for sure disappointed yun" bahagyang natatawang tugon ni Lexxie "Isorry mo ako sakanya gurl ha? sabihin mo better lock next time!" natawa nalang ako kay Lexxie. Nakakaloka talaga!

Nahihiya man ako kay Eros pero kailangan ko siyang puntahan. Bumalik ako sa kwarto ko and into my surprise ay nasa loob siya nito at nakahiga sa kama.

"Sorry daw sabi ni Lexxie" tugon ko, ang awkward.

"I'm sorry, I got carried away and.."

"Shhh" pag tabon ko ng bibig niya at humiga katabi siya "Matulog na tayo Twin, maaga pa tayo bukas eh" sabi ko at yumakap ako sakanya

Hanggang maaari gusto ko maging okay ang lahat at bumalik sa normal ang relasyon namin ni Eros, iyong walang 'malisya'. Pero, syempre iba na at alam kong mahirap na ibalik ang lahat sa dati kaya kailangan kong panindigan dahil ako mismo ay hinayaan kong may magbago.

"I'll ask sorry kay Trevor bukas, I don't want you to be awkward with him because of me, I've crossed the line and I deserve.."

"Twin, enough na diba? nangyari na. Tapos na. Matulog na tayo, ako na kakausap kay Trevor bukas, okay? mag aalas dose na oh!" sabi ko

"tsss" umismid na naman siya

Hindi ko alam kung anong kinadidisappoint ni Eros, dahil ba hindi natuloy? gusto niya sipain ko siya? Jusmiyo kainis lang.

Kinabukasan ay maaga akong bumangon dahil hindi rin naman ako nakatulog ng mabuti, sino ba naman makakatulog? Lumabas ako ng hote room ko at hinanap iyong gwardiya na nasa lobby at isa sa mga umawat kay Eros at Trevor, nag sorry ako sakanya sa naging awayan ng dalawa. Nagpunta nalang din ako sa canteen ng hotel para magpaluto na ng ibebreakfast namin.

At noong pumunta nga ako sa canteen ay nakita kong andoon si Trevor at nagkakape.

"Trev.." tugon ko at ewan, kumaway pa siya sa akin kaya lumapit ako sakanya "I'm trully sorry sa nangyari, I warned Eros well to control himself but.."

"Don't be sorry My, I started the fire and Eros heated up so we ended up fighting. Sorry, I'm really sorry!" tugon niya

"Trev, no. I'm starting to regret bringing him here, It just ruined Ty and Maria's vacation and I feel so guilty" pag tugon ko at totoo naman.

"Nah, don't worry about it. It's something usual and I understand." natawa siya ng bahagya "I feel really envious now that you're asking sorry in behalf of Eros, I'm sorry for getting into you guys"

Hindi ko maintindihan si Trevor

"Trev" mahinang tugon ko

"You're obviously spoken for na.." tugon niya at uminom siya ng kape niya "That's okay, I still can be a friend to you right?" and I get it.

Ano ba tayo? (Book 1 √) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon