Episode 33

3.3K 229 121
                                    

Answer
-
Note: be sure to read the AN 😊 and If you want to listen to BALIW minus one (I was listening to this while typing) it's above 👆)
-

Hindi ako makatulog,  Anong oras na Mylene Dale!
nagpagulong-gulong ako sa kama ko at talagang sabog ang pakiramdam ko.

"Jusko gurl, anong nangyari? namamaga na nga ang mata mo, kumakaway pa ang eye bags mo! very wrong! pangit gurl!" parang ang laki ng problema ni Lexxie sa akin

"Eh kaya mo na yan gurl, best in make-up ka kaya, kahit kaunti lang gurl!" sabi ko

Nagpapa make-up ako ng bahagya kay Lexxie dahil sa totoo lang naman talaga que horror ng mukha ko ngayon,  iyak na nga ako ng iyak kagabi at talagang hindi pa ako nakatulog. Nakakaloka

"Oh ayan! keribels na yan!" sabi niya

Suot ko ngayon ang isang pares na binili namin kahapon sa mall.

"Thank you gurl" tugon ko "The best ka talaga, kaya love na love kita!" sabay hug ko sakanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Thank you gurl" tugon ko "The best ka talaga, kaya love na love kita!" sabay hug ko sakanya

"Huy, Mylene Dale, tantanan mo ako sa mga kaechusan mo ha, anong nangyari sainyo ni Eros kagabi? okay na ba kayo?" Si Lexxie habang nag-aayos ng gamit

"Nag-usap na kami" sabi ko

Magkukuwento na sana ako pero biglaang may nag doorbell. Kinabahan ako bigla, si Eros na kaya yan?

"Good morning? ready na kayo?"

Aw, si Dominic.

"Tara na gurl!" si Lexxie at lumabas na siya una

"Naks, bagong look ah! Parang senador!" Ang aga nambwibwisit si Dom, kainis.

"Ewan ko sayo ha! Huwag mo kong iniinis!" sita ko

"Sus! disappointed ka lang eh kasi akala mo si Eros susundo! Okay na kayo best?" napatingin ako sakanya

Okay na nga ba kami? siguro?

"Ewan ko dun!" sabay lakad ko palabas ng pinto

"Eh kasi si Eros eh, mukhang kakatulog palang, hindi nga umabot ng kwarto niya sa sofa na natulog! Nabaliw na ata!" natatawang tugon niya at napaismid lang ako

Grabeh, hindi siya nakatulog kagabi at inumaga na matulog? tapos ngayon nag expect akong siya ang susundo at nang makumpirma ko lang iyong ginawa niya..
totoo naman siguro yun diba?

"Bye, salamat!" pag kaway namin ni Lexxie

"No problem! basta kayo! Libre niyo nalang ako this weekend ha? makabawi man lang kayo" at natawa siyang kumaway sa amin.

"Ang cute talaga ni Papa Dom" nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Lexxie

"Kailan mo lang naging tatay si Dom?" seryoso ang mukha kong itinanong sakanya.

"Bruha ka ha! tinitrip mo ako! good mood na ang lokaloka. Kamusta gurl? kayo na?" bahagyang nabigla ako sa sinabi ni Lexxie "I meant, Okay na kayo?" natatawang tugon niya

Ano ba tayo? (Book 1 √) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon