Episode 25

3.3K 181 27
                                    

Awkward
-
Ewan ko kung bakit pero gusto ko tuloy tanungin ang sarili ko kung totoo na nga ba ang hakahaka ng mga taong nakapalibot sa akin. Pero, nangingibabaw sa akin ang tingin ko sa sarili ko. Sa oras na maisip ko, maramdaman ko ay tuloy na tuloy na yun at hindi ko na mapipigilan pa., Nakakatakot.

"Nakatulog ka ba gurl? bakit parang kaway na kaway ang eye bags mo? daig mo pa mga artistang walang tulog sa taping ah!" si Lexxie, nagbebreakfast kaming dalawa.

"Wala gurl, don't mind me. Hindi lang ako nakatulog kagabi ng maayos" sabi ko sabay higop ko ng kape ko.

"Well sabagay, sino ba namang makakatulog ng mabuti kung dalawang fafa ang nagpapatakbo sayo sa isipan nila? kapagod yun gurl!" natatawang tugon ni Lexxie

"Tigilan mo nga ako gurl, ang aga-aga pa oh!" sita ko sabay ismid.

"Denial ng taon goes to Mylene Dale Enriquez, 25, Camiguin!" inirapan ko na nga lang si Lexxie.

"Hey My, Magandang umaga! You look exhausted ah" si Trevor

"Obvious ba talaga?" tanong ko. lahat nalang sila napapatingin at nasasabing bakit ang haggard ko.

"Nah, don't worry that doesn't make you less cute" sabi niya "Maganda ka pa sa umaga parin!" tumawa siya

"Umaga lang? More on Maganda sa gabi lang ano, madilim kaya wala masyadong natatakot sa mukha ko!" tumawa ako

"Grabeh siya oh, you're being rude to yourself again, I'll see you later, okay? Work muna!" sabi ni Trevor at kumaway kami sa isa't-isa.

Napaupo ako sa aking silya at napahilot sa aking sintido, bakit ayaw maalis ang ganap na iyon sa isipan ko? That was just an ordinary hug. May mas mahigpit pa ngang hug dun eh, not a big deal My!

"Hi Mam, look at this! For you" sabi ni Aila

"Flowers? galing kanino?" sabi ko

"Walang nakalagay mam eh, ibinilin lang sa guard ng delivery boy. Napadaan ako kaya sa akin nalang pinadala., Baka kay Sir Trevor Mam?" ngumisi siya

"Huh? Tigilan mo nga ako Aila!" sita ko

"Eh, baka naman kasi totoo ang mga chismiss na type ka ni Boss Lion, yung iba nga sabi nila nanliligaw siya sayo eh, yung iba naman sabi kayo na daw!" ngumisi si Aila "Paano na si Sir Eros mam?"

"Alam mo, Aila! kakasimula palang ng araw. Nangaano kana! Balik na sa trabaho at baka mawrestling kita ng wala sa oras!" Sita ko sakanya at tumawa nalamang siya at umalis na.

Hindi na ako tatantanan ng issue na yan kagabi ah!

Tiningnan ko ang card na naka-attach sa bouquet at binuksan ito.

To: Mylene Dale,

Smile :)

Wala man lang 'from' na nakasulat. Kanino galing to? 'Di bale na nga. Infairness maganda naman. Salamat kung kanino man galing.

"Kamusta Dale?" si Ellise

"Uy, anong mukha yan? Umiyak ka ba? Nag away kayo ni Caloy, ano?" namamaga kasi ang mata niya

"pwede ba halfday lang ako today? Naibilin ko na sa secretary ko ang mga dapat gawin para sa araw na 'to. Almost done na naman ako eh"  siya

"Oo naman. Pero okay ka lang ba?" tanong ko

"Magiging okay din, maliit na bagay lang sana kaso lumaki iyong away namin ni Caloy eh. Natatakot ako Dale, baka nagsasawa na siya sa akin" naiiyak na naman si Ellise

"Baliw kana talaga! Of course hindi totoo yan, lahat ng bagay nadadaan sa magandang usapan, lower your pride, say sorry to him, kung mahal mo ang isang tao iintindihin mo siya, okay? And itataya ko ang lovelife ko kung hindi ka mahal ni Caloy, mahal na mahal ka nun no! cheer up, okay?" tugon ko sabay hug kay Ellise.

Ano ba tayo? (Book 1 √) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon