Episode 23

3.4K 175 41
                                    

Favor
-

Hindi ko mapigilang maiyak. Sobrang stressful ng araw na 'to. Parang masaya nga ako sa New York kaso parang ang kapalit naman ay hindi maibsang kaimbyernahan sa sarili.

Pinatay ko ang cellphone ko at dumiretso agad sa kwarto para makapag muni-muni. Para akong nabagsakan ng isang sakong lupa kanina noong nag-usap kami ni Haven. Hindi dahil sobrang imbyerna ako sa nalaman ko kundi imbyerna ako sa sarili ko.

Bakit ako nagalit kay Eros? Why did I even question his friendship to me? Bakit parang nagduda ako sa pakikitungo niya sa akin? Sobrang nakakaguilty.

Nalaman ko mula mismo kay Haven na nag-usap na siya at si Eros. It was all because of Chris daw, surprise daw. Hindi nila pinaalam kay Eros na kasama nila si Haven noong time na yun, Kaya seems like Eros never had a choice. Nagusap si Eros at Haven at nag sorry daw siya kay Eros about sa nangyari between them 5 years ago, she explained her part at naintindihan naman daw ni Eros ang dahilan not because fair iyong ginawa ni Haven kundi it was 5 years long at he's over it daw.

FLASHBACK

"I've waited for five years Ate My na makausap siya and say sorry and I'm glad that he's healed. Gusto ko kausapin ka so I wanted to have a better timing ang kaso you're too busy and always with Eros kaya alangan ako and just asked for Kirsten's help. Sorry Ate My, I know na kailangan ko mag sorry sayo dahil sa nangyari at nagawa ko kay Eros and of course I wanna say thank you for being there for him" mediyo naiiyak siya at ako rin dahil sa guilt feeling.

I judged and assumed so bad na nainis ako kay Eros at Haven. Hindi naman pala nagsinungaling si Eros.

"Haven, sorry din ha? I actually hated you because of what you did to him. His feelings are really clear and genuine towards you kaya nasaktan ako na ginawa mo iyon sakanya. He was davastated and really hurting that he doesn't want anybody to console him so I guess he decided to go back to Germany that time" sabi ko "But sino ba naman ako to not forgive you diba? sana maforgive mo rin ako" I smiled.

REALITY

We ended the conversation with a hug. Lumuwag ang pakiramdam ko sa naging pag-uusap namin ni Haven. Ang totoo din pala babalik na sa Hongkong si Haven for her work, may architectural firm siya doon at she's never really part of Eros' project pala. Tumulong lang siya sa planning dahil theme park nga ang idedesign nila kaya kailangan may point-of-view din ng babae at noong nalaman nga niya daw na bumalik si Eros ay agad siyang bumalik ng Pilipinas.

"Haaay" Napabuntong hininga ako.

Marami nga pala talagang namamatay sa maling akala. I should have known better. Pero, hindi ko rin talaga maiwasang hindi isipin si Kirsten, akala ko ba okay na si Haven at Eros? yes, pero ang sabi niya idrop ko si Eros dahil he loves Haven pa. How did she know then?

Tinigilan ko na sa pag-iisip at itinulog ko nalang ito. Mas maganda sa pakiramdam dahil wala ng bumabagabag sa puso ko at kailangan ko gumising ng maaga.

6am ng umaga at katapat ko na ngayon ang pintuan ng condo unit ni Eros. Yes, I decided to surprise him with breakfast. Nag doorbell ako at hindi na ako nagtataka kung bakit antagal buksan dahil malamang tulog na tulog pa yun. Hindi ko nalang talaga tatantanan ang doorbell. Hindi ko na matandaan ang pass code eh, sinabi niya ito sa akin minsan pero nakalimutan ko na.

Tatawagan ko na sana kaso may nagbukas na at sobrang nagulat ako sa nakikita ko.

"Oh, andito ka?" nakakusot pa siya sa mata niya, si Dominic nasa condo ni Eros "Ang aga mo naman manligaw. Pasok ka!" pagminamalas ka nga naman.

"Thanks twin!" si Eros andito na siya at katatapos. lang maligo. ni wala akong masabi dahil sobrang hindi ako makapaniwala, nakakairitang bungad naman "Hey, dom! put your tshirt on!" Oo! naka shirtless kasi itong hinayupak na dominic na 'to. Ako talaga manliligaw?!

Ano ba tayo? (Book 1 √) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon