Episode 22

2.9K 164 25
                                    

Mistake

-
"Don't you wanna eat some ice cream?" tanong ni Eros sa akin, hindi ko kasi magalaw galaw ang ice cream na niserve niya sa akin "It's melting twin" pahabol niya

"Masyadong malamig kasi Twin eh" sabi ko

"But ice creams are intended to be cold Twin, are you sick?" Ang kulit niya

"Hindi, okay lang ako uy! I'm just ano..I'm just.. sleep na. I'm tired sa work" sabi ko at isang palusot ito. Masama ang loob ko sakanya.

Gets niyo naman siguro ano? Wala akong pakialam kung may girlfriend siya, kung si Haven ba yan o kung sino man yan! Ang akin lang bakit kailangan pang magsinungaling? Huli niya na nga sinabi sa akin na nag-usap at okay na sila ni Haven dahil magagalit daw ako tapos kay Kirsten ko pa una nalaman, tapos ano ito ngayon? Hindi niya ako masundo? okay lang pero ang magsinungaling siya ng rason, aba yun ang kinagagalit ko!

"Twin, can you go home na? Matutulog na ako" sabi ko, bahala talaga.

Ayoko rin na kusang ako pa magsabing galit ako, makiramdam siya!

"Sure twin, but please tell me if you're still not feeling okay, okay? Don't make me worry" sabi niya

Kahit papano ay hinatid ko siya sa may gate, kaibigan ko parin naman siya, may tampo ako pero hindi naman darating sa puntong babastusin ko na siya.

"Ikaw na gurl. Pasensya kana at umexit na ako sa eksena gurl ha? hindi ko keribels, naimbyerna ako eh! pero baka naman kasi gurl nagsabay lang diba? Diba sabi mo okay na sila? at sabi mo isang work team lang sila? Baka yun lang yun gurl" si Lexxie

"Kahit na gurl, wala akong pake actually! H'wag lang siyang magsinungaling sa akin, Twins na nga diba? bahala siya"

"Grabeh siya! Ibang level ang tampo! sige gurl support kita diyan! Dapat lang makaramdam si Fafa Eros na hindi tama iyang ginagawa niya no! Tsaka gurl, paasa much! Nalurky ako sa pa- ice cream ni Mayor! Pero infairness masarap! Kainin mo gurl oh pampalamig ng ulo mo! Masarap to, mahal! Si Haven pumili ng flavor!" pinukulan ko ng masamang titig si Lexxie.

Kinabukasan si Eros ang sumambulat sa umaga ko. Yup, andito siya sa apartment ko at talagang anong oras pa oh! Alas sais pa.

"Bakit andito ka?" sabi ko na nakakunot ang noo.

Ewan ko ba dahil parang nananadya eh. Hindi ata talaga ramdam itong inis ko sakanya.

"I've been texting you, even calling you to check if you're fine but you never replied and answered so I decided to come here early, I wanna know if you're fine na" Napabuntong hininga ako.

Gusto ko na kalimutan nalang ang inis ko sakanya dahil sa effort niya kaso nakasulat sa malawak niyang noo ang inis ko sakanya eh! Imbyerna!

"I'm fine na. I just need some rest uy! From New York, adjust sa weather, time zone tapos work agad diba?! Okay lang ako twin." ngising tugon ko, pilit pero para maalis lang ang worried face niya.

Hinatid kami ni Lexxie ni Eros sa trabaho, nag pumilit kaya pumayag nalang ako.

"So, ano gurl? peace on earth na kayo?" natatawang tugon ni Lexxie

"Tsss.. ang sabihin mo gurl, guilty lang yun! nagsinungaling ba naman!"

"Magandang Umaga!" Uy si Sir Trevor.

"Hi Sir, Mas maganda ako sa umaga!" si Lexxie

"Pero sa gabi hindi na!" singit ko at nagtawanan kaming tatlo.

Hay, kahit papano nawala ang badvibes ko sa araw na ito.

"Dale, submit ko na sa email mo ang new concept na nairecommend for coffee TVC ha? pakicheck nalang. And please don't forget the meeting of the magazine launch. Team natin ang incharge! Labyu!" si Ellise.

Ano ba tayo? (Book 1 √) Where stories live. Discover now