Episode 30

3.1K 189 47
                                    

Pain
-

"Gurl, okay ka lang? Natulog ka ba, ha?" tugon ni Lexxie

Nasa hapagkainan na kaming dalawa at alas singko y media ng umaga pa.

"Oo naman! sarap nga ng tulog ko eh" I lied dahil ang totoo hindi ako nakatulog.

Sino ba naman makakatulog dun sa mga nabasang text ko mula kay Kirsten? Sa totoo lang, wala akong pake kung mag date o mag pakasal na iyang Eros na yan! Ang akin lang, akala ko ba kaibigan ko siya? akala ko ba walang sekretong magaganap? Bakit ganito? Una iyong kay Haven, ngayon naman itong kay Kirsten? Aba wow.

Hindi sa nagmamalinis ako, may lihim din naman ako kay Eros at tungkol ito sa pa date ni Trevor, pero hello? may sinabihan ba akong iba? ni hindi nga ako makapag desisyon dahil kinoconsider ko si Eros dahil galit siya kay Trevor at talagang namimis-intepret na ng iba ang mga kaartehang hatid niya, tapos ano? Ako itog tinutuligsa lagi dahil sa mga gawain niyang mambabakod?!  Okay rin siya! Urgh.

"Nakalimutan mo bang sabado ngayon? ang aga mo ata gumising?" si Lexxie  at natatawa siya sa akin.

"Alam ko gurl no, alam ko rin na maaga alis mo sa batangas kaya eto o pinagluto nga kita ng breakfast, tsaka may lakad din ako gurl" sabay ngiti ko.

Ayoko na maglihim kay Lexxie. Sobrang unfair lang ewan talaga, pati sila Lexxie at Ellise o kahit itong si Lexxie man lang na kasama ko sa apartment ay hindi ko sinabihan.

"Oh? susunduin mo ba si Eros sa airport? o susunduin mo sa Cebu?! bongga gurl!" sabay inom niya ng kape

"Uy hindi ah" agad tugon ko, nakakaloka "Ano gurl, sorry kung ngayon ko lang sasabihin to ha?" napabuntong hininga ako, ayokong maiyak uy!

"HOY, Mylene Dale, kinikilabutan ako sa mga sinasabi mo, ano ba yan!" inilapag ni Lexxie ang tasa na bitbit niya at tinitingnan niya ako

"May date ako" napanguso ako dahil nakaramdam ako ng hiya "F-friendly date lang gurl" ngumiti ako, kahit naman dahil sa kahihiyan diba? makangiti ako. kaloka.

"Omg gurl, kay Dominic ba? tuhugan ng magpipinsan? alam mo gurl, matindi din talaga ang kutob..." agad kong pinatigil si Lexxie

"Nakakaloka, idamay ba si Dominic?" natawa na ako dahil hindi ko maimagine kung bakit naisip ni Lexxie iyon, nakakaloka. "Hindi gurl.." napabuntong hininga ako "Si.. Sir Trevor, gurl"

Para akong binunutan ng tinik sa puso, finally nasabi ko man lang saiba ang bumabagabag sa puso ko.

"Nakakaloka! Seryoso ba yan? o kailangan mo ng sabunot para magising?" tapos kinurot niya ako "Omg, totoo nga! nakakaloka gurl, so may gusto nga talaga siya! We knew it!" napasapo si Lexxie ng noo niya

"Gusto agad? friendly date nga lang gurl, basta ikukwento ko nalang sayo next time okay?" bahagyang ngiti ko

"Kaloka! Kailan lang? Bakit ngayon mo lang sinabi? Alam ni Eros? Kaya naman pala kung makabakod sayo ibang level eh!" si Lexxie

"Ang totoo gurl, hindi alam ni Eros at ayokong malaman niya, bukod sa magagalit siya, ano naman ngayon kung makipag date ako diba? Tsaka, wala namang masama, diba gurl?" tumango si Lexxie

"Hay, gorabels gurl! Deserve mo yan, tsaka hello! si Superman na yan, choosy ka pa ba? Pero gurl, pagbalik ko ng batangas ha, kailangan natin mag-usap, sa ngayon, magenjoy ka muna!" tapos niyakap ako ni Lexxie "I just want to hug you, dahil feel ko kailangan mo eh, pero kailangan atang may panaksak ako! Ang ganda mo te!" napanguso ako, si Lexxie talaga.

Umalis na si Lexxie at naiwan ako sa mag-isa sa apartment, alas syete pa lamang ng umaga. Ano na My? ano na gagawin mo at ang aga pa.

Napahiga ako sa sofa at ngayong sa paghiga ko dama ko ang bigat na nararamdaman ko, sobrang bigat. Anong nangyayari? ginawa ko nga ang tama at matagl ko na dapat gawin eh. Ipinikit ko ang aking mata pero parang naririnig ko lang ang sariling tibok ng puso ko. Bakit ganito?

Ano ba tayo? (Book 1 √) Where stories live. Discover now