Episode 21

2.9K 186 35
                                    

Heartbeat
-

"Close na kayo?" si Eros habang nasa sasakyan kami at pauwi na.

"Issue mo? Dami mong arte ha? Wag ka nga nangaaway pagod ako sa byahe!" sobrang sakit ng ulo ko.

"I don't understand how that boss of yours could act too careless over an employee." napalingon ako kay Eros sa sinabi niya kaya nakita ko ang mismong pag ismid niya

"anong sabi mo? FYI Eros Jan, Trevor isn't just the boss, he is a friend, mabait siya sa akin and really gentleman. Cute pa!" sabi ko

"You like him? damn Twin, whats up with your taste?" natatawang tugon niya pero halatang nangaasar

"Wow. Nahiya naman ako sa taste mo ha?!" sabay irap ko. problema nito? "At ikaw ha? kung wala kang maicomment na matino sa mga posts ko edi wag kang mag comment! Puro thumbs down pinagpopost mo! panira! basher! hater!" gusto ko suntukin eh.

"I'm just annoyed. I told you to contact me the first minute na dumating ka, but? you never did. I was worried! And what? you posted on sns first? the hell!" iyong nguso niya sarap batakin eh.

"Ewan ko sayo! 5 days ago na ang hanash mo diyan! panis na! Worried daw, miss daw! imbyerna ka!" sigaw ko

"Sige doon ka.. doon kana sakanya!" napakunot ang aking noo sa narinig mula kay Eros, masyadong pampam

"Anong problema mo?! bakit hindi tayo sa apartment ko?" nasa condo niya kami.

Pumalag ako kaso nakapasok na sa loob ng establishment ang kotse niya.

"What? sunday na. you can have a good rest here!" iwas tingin niya sa akin.

Minsan talaga may mga taong galit na galit kana sakanila pero hindi mo mapakita at hindi nagtatagal dahil masyado silang importante sa buhay mo? Ganito itong si Eros, minsan naiisip ko,  ano bang nagawa ko sakanya bakit nagagalit siya, kung bakit napaka protective niya, kung bakit napaka territorial niya.

Naiisip ko kung ano nalang ang mararamdaman ni Haven ngayong ganito si Eros.

"Iuwi mo nalang kaya ako? baka ano pang isipin ng iba at maissue pa tayo" sabi ko sabay tayo mula sa pagkakaupo ko sa sofa.

"What? issue? what are you saying?" sabi niya at siya naman itong napaupo sa sofa "Twin, why do you have to post something like this?  what are you? a model or something?" sabay ismid niya.

Nakatingin kasi siya sa post ko sa IG. nakakaloka!

"May problem ka ba Eros? May problema ba kayo? nag away ba kayo? kaya ako itong pinagbubuntungan mo ng kachakahan?" sabi ko at tumabi na ako sa kanya sa sofa. sobrang kailangan ko na matulog pero itong Eros na 'to ang hyper parin.

"Matulog na tayo!" tumayo siya at hinila niya ang kamay ko. Ayaw niya na namang pag-usapan. At dahil pagod na ako ay hindi na ako pumalag pa.

"Pahiram ng damit mo please, ayoko na maghalungkat sa maleta ko" sabi ko sabay bukas ng cabinet niya.

"You can just sleep beside me, the other room is a mess" sabi niya.

Hindi na ako nagsalita at nagbihis na at dumiretso sa kama. Sobrang laki ng kama ni Eros at talaga namang kahit lima ay magkakasya, exagerated pero totoo.

"Good night twin!" sabay piga ko ng mukha niya "miss na miss mo talaga ako dahil inaaway mo ako. sige.. sige" panunukso ko

Pero sa mga ganoong panunukso ko ay biglaan niya akong niyakap, sobrang lapit ko tuloy sakanya at hindi ko alam kung bakit nagpipigil ako sa paghinga, ewan ko kung bakit pero kinabahan ako bigla.

Ano ba tayo? (Book 1 √) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon