Episode 39

3.2K 195 52
                                    

Caught
-
Hindi ko na alam kung sino uunahin ko. May trabaho akong dapat asikasuhin and now this, ang sakit sa puso. Hindi ko maiwasang maiyak.

Pilit kong inayos ang sarili ko, kailangan kong ayusin ang problemang 'to.

"Aila, nakita mo ba kung nasaan si Lexxie?" tanong ko

"may studio visit po ata siya Miss My, studio 7" tugon niya

"Okay salamat"

Matagal narin na nakapag libot ako sa mga studio, dati ganito din ang trabaho ko, ang maglibot sa mga studio na under ng production namin at sinisigurado na okay ang lahat, andaming nagbago.

Napaangat sa entrance ng pinto ng studio 7 at napabuntong hininga bago ako pumasok

"Hi Miss My" si Linda, isa sa mga staff

"Si Lexxie, andiyan ba?" tanong ko

Sa totoo lang kinakabahan ako, first time namin mag-away ni Lexxie ng ganun, I mean may sagutan ng bahagya at talagang hindi naging maganda ang mga salita ko kanina, I was carried away.

"Miss My, hindi daw nag report si Lexxie today, hindi po namin alam kung saan po eh" si Linda

"Ganun ba? salamat" at umalis na ako na mas bumigat ang pakiramdam.

Nasaan kaya siya? kinuha ko ang phone ko para itext siya.

Pero tulad ng inaasahan ko ay wala akong nareceive na reply mula kay Lexxie

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pero tulad ng inaasahan ko ay wala akong nareceive na reply mula kay Lexxie. Ibinulsa ko na muli ang aking cellphone at nagdesisyon nalang ako na bumalik sa opisina. Marami akong trabaho at ayokong pilitin si Lexxie kung hindi pa niya gustong makipag-usap sa akin.

Kahit maraming bumabagabag sa akin ay binalik ko ang sarili ko sa trabaho kahit alam kong mahirap dahil nag-aalala ako sa kahihinatnan ng lahat.

"Miss My, pinapatawag po kayo ni Sir Trevor sa office niya" si Aila

"Okay"

Tumayo ako at pumunta nga ako sa opisina ni Trevor.

"Yes?" tugon ko and I fake a smile

"Sit down" pag offer niya at ngumiti siya

"May problema ba?" tanong ko at sana naman wala na dahil baka ngumuwa ako ng wala sa oras dito ngayon, nakakaloka.

"I received a memo for the anniversary  of the network and everyone of us are invited" tugon nito at inabot sa akin ang memo na tinutukoy niya

"Is there anything else?" tanong ko

"There is and It's not part of our work though" tugon niya "Here's a letter I received earlier today, It's from a modelling company, it seems that they're somewhat interested for you and I to work with them"

"Totoo ba to?" tanong ko, aaminin ko nawala at nakalimutan ko bahagya ang problema ko sa sandaling iyon.

"Yes, it's only for a clothing brand though" sabi niya at hindi ako makapaniwala

Ano ba tayo? (Book 1 √) Where stories live. Discover now