Episode 29

3.7K 190 100
                                    

Yes
-
(NOTE: Bago kayo mag start magbasa, I discovered one song na pwedeng pwede sa storyang ito. I got curious with it sa title palang na "Ano nga ba tayo?" kaya pinakinggan at binasa ko lyrics, pwede nga siya! Haha meant to be! char! If u want to listen just click the video 👆. It's by Jona ;-) Okay, wala lang)

------------

Tanaw ko na ang sasakyan ni Eros na parating na, si Dominic ang nagmamaneho dahil pinahiram na muna ni Eros ang sasakyan niya dito. Tinext ko si Eros kaso hindi pa nagrereply, hindi rin ako nireplyan tungkol sa text ni Dominic kung ano ba iyon?

Ano bang big deal sa pakikipag sabay ko ng lunch kay Trevor? kumain lang naman kami? ni hindi nga namin pinlano na mag sabay dun eh. Kaloka ha.

Nang huminto na ang sasakyan ay agad naman akong pumasok at sumakay dito. Sa totoo lang kinakabahan ako dahil parang ang seryoso ng mukha ni Dom, nakakatakot din pala siya pag seryoso ang mukha, nag away ba talaga sila ni Eros? pinalayas na siya sa condo? grabeh naman.

"Ehem" pagpapapansin ko pero wa epek, sobrang tahimik niya edi wow, inenjoy ko nalang ang sarili kong pagmasdan ang labas mula sa bintana ng sasakyan. Arte! "Uy, teka saan tayo pupunta?" tanong ko dahil imbis na diretso ay lumiko siya pakanan pero huminto din naman agad.

"Libre mo muna ako" sabi niya at lumabas siya ng sasakyan, grabeh siya!

"Ibang klase ka rin magpalibre at mawala sa mood no? nagpapalibre na nga ang mahal naman ng mga inorder!" napairap ako.

"Don't you get it? this could be my last meal, alam mo ba yun ha? I can get fired, I can get kicked out from the condo and starve to death! Do you know that? no, so shut up" malumanay niyang sabi dahil kumakain siya at nanood lang ako sakanya, umorder ako pero pine apple juice lang.

"Ang arte mo ha,edi bumalik ka sa La Union! Doon ang balwarte mo eh, naligaw ka dito!" sabay ismid ko.

"No, I kind of decided to stay here for good, actually got a meeting with a sponsor where my photo studio is being build. Pero yun nga nakipag lunch ka kay Trevor and now my free stay sa condo ni Eros is at stake, and I hate you for that!" sabay subo niya ng pagkain.

"Wow ha. Parang ang laki ng kasalanan ko at talagang ako sisisihin mo kung magulo ang buhay mo! Iba din!" ismid ko "Pero teka nga, ano bang masama sa kasabay kong mag lunch si Trevor? nag lunch lang naman kami together ah, sa canteen lang po!" irap ko, nakakaimbyerna talaga

"Aba itanong mo kay Eros! Basta he told me to never lose a sight on you and never allow Trevor to get near you, pang 2 days palang na wala siya, I failed the mission agad!" sumubo ulit siya ng pagkain, atakaw a bata.

"At bakit naman? may nakakahawa bang sakit si Trevor? at tsaka bakit ka ba nagpapadala sa kaartehan ng Eros na yun, oo mag pinsan kayo at parehas maarte pero, hello! kaibigan ko si Trevor!" nakakaloka na, gusto ko sabunutan itong matakaw na kaharap ko, nagpadagdag pa ng extra rice, sa mahal ng extra rice dito isang tasang kanin lang isang kilong bigas ang halaga, takte.

"Obviously Miss not-so-beautiful, Eros got this feeling that Trevor likes you, romantically, and typical stupid guy that Eros is, he hates Trevor for two possible reasons, It's either Eros likes you that's why he's building a wall to keep you away from Trevor or he doesn't like Trevor because he felt like Trevor is stealing you away from him you know, down still, that Eros likes you!" tapos tumawag siya ng waiter to refill the drink he just finished, 130 yun! letseng lalaking to!

"Anong like, like ang sinasabi mo diyan?! Nabuang kana ha?! kaibigan ko si Eros, Twin kami, he made that clear from the start! Huwag ka nga gumawa ng istorya dahil hindi ikaw si Eros! at pwede ba, tumigil kana kakaorder?!" imbyerna! Umiinit lang ang ulo ko.

Ano ba tayo? (Book 1 √) Where stories live. Discover now