Episode 18

3.1K 176 39
                                    

New York

-

"Kamusta ang date gurl?" si Lexxie, nasa hapag kainan kami ngayon at kumakain ng breakfast.

"Okay naman gurl, masaya! Tsaka, pumunta kami sa pa-party ni Kirsten kaya matagal kami umuwi" sabi ko.

"Oh? Edi iwas drama na ang Melba na yun sayo kung ganun? Tigilan niya na magdrama sa pa-reunion na yan ha? Ayoko na makarinig ng kadramahan niya. Tsaka gurl pwede ba ha? Pagsabihan mo iyang kaibigan mo na yan dahil kukrumpolin ko talaga pag umiyak kana naman dahil sakanya!" si Lexxie talaga.

"Gurl, ganun lang talaga iyong bestfriend kong iyon, pero mabait naman yun eh." pagtatanggol ko.

Lumipas ang mga araw at tila wala namang nangyari. Eros is Eros parin. Sinusundo niya ako lagi sa trabaho hanggang sa umabot na nga ang byernes. Half day ako sa trabaho dahil ngayon ang alis namin ni Eros papuntang La Union.

"Just in time" sabi niya, nasa labas na kasi ako ng building. "Napahintay ba kita?" tanong niya

"Okay lang twin" ngumiti ako and he did too. "Kukunin ko lang ang gamit ko sa Apartment ha?" tugon ko

"Okay, Twin" sabi niya. Parang nasa mood siya dahil nakangiti siya habang bumabyahe kami. Anong nakain nito? Tatanongin ko na sana siya kaso nag ring ang phone niya.

"Oh Haven?" napatingin nalang ako sa kawalan. "Told you I'm out for the whole weekend right?.. Yeah, I left the plan on my table, Yes! I've already told Markus about that, alright. No calls for business please? I'm off having a good time. Bye!" sabi niya, Kung hindi ba about business yun makikipag lampungan pa siya? Edi wow. Parang hindi lang siya niloko eh?!

Hay. Ewan ko ba. Hindi sa ayokong maging okay si Eros at Haven, syempre gusto pero iyong parang walang nangyaring gaguhan? diba? pero sino nga ba ako para makialam diba?

"Okay na ako" sabi ko sabay pasok ko sa bag ko sa likuran ng kotse. Off for travel na kami ni Eros.

"Alright. This is fun! I miss doing this, Finally!" excited siya

"Nadala mo na ba ang para pasalubong nila Lola? baka naiwan mo yun?" pag remind ko

"All is done. Thanks sa reminder mo kanina" ngising tugon niya kaso naiirita lang ako. Ewan ko.

"Hello? Trev?" si Sir Trevor tumatawag siya gamit ang personal phone niya.

"Heard you had a leave?" tanong niya. Well, sa isang boss ako nagpapaalam ng leave eh, si Sir Von yun, Siya ang head ng production team, president ba. Tapos si Sir Trevor naman ang head ng over all team, as in Boss of all boss sa department namin!

"Opo. May kailangan ka ba?" I asked

"Ah, nothing. I was just surprised that you had one, I thought you're sick, are you?" Huh?

"Ay, No. I have a planned trip to La Union with Eros kaya I had to have a half day leave" tugon ko

"When are you coming back?" mediyo nagugulat ako sa tinatanong niya

"Sa monday, I'm in the office na"

Short conversation na nag wakas agad.

"Your boss?" si Eros

"Yeah. He was asking lang if bakit absent ako" simpleng paliwanag ko at balik tingin ako sa may side mirror ulit ng sasakyan.

"Why did he have to ask? does it concern him? Tss. His pasimple moves doesn't do well" umismid siya pero hindi na ako nakinig pa. Natulog ako sa byahe. Bahala nga siya, naiirita ako.

"Twin? meryenda muna?" si Eros. Ginigising niya ako. Akala ko dumating na kami eh, hindi pa pala.

"Bakit? hindi ka ba kumain?" tanong ko sabay labas ng sasakyan "sinasabi ko sayo Eros Jan, ayoko sa lahat iyong nagpapabaya ka" sabi ko

Ano ba tayo? (Book 1 √) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon