Episode 11

3.6K 219 45
                                    

Note:
Please assume that the commercial mentioned below is the fast food chain (J🐝) commercial na pinalabas nung valentines 🐔🐷
---

Naging game naman si Eros sa mga ka-team ko. Parang ang close na nga nila eh. Mediyo napapainom din siya, pero isang bote palang naman na hindi pa nakakalahati.

Masaya naman siya ang tanging pansin ko lang ay tipid at hindi niya ako masyadong pinapansin. Mediyo may sense ako kung bakit pero grabeh bai?! Ang sensitive niya parin.

"Thanks for inviting me sir, It was nice to meet everyone and thanks for treating Mylene really well!" si Eros, ewan ko kung bakit siya ganyan.

"You are welcome Eros, You are always welcome in our team! You're Mylene's bestfriend so.." si Sir Joe

"Gurl, kay Caloy at Elisyang na ako sasabay ha? Ayokong maipit sa world war. Kanina ko pa napapansin, iba gurl!" pahapyaw na tugon ni Lexxie sa akin. Grabeh siya.

Napabuntong hininga ako, so obvious pala ang hindi pamamansin ni Eros sa akin, ewan ko ba talaga! Nakakainis din iyang matampuhin niyang ugali. Masakit sa bangs!

"Si Lexxie?" tanong niya, aba nag salita na.

"Kay Caloy at Ellise siya sasabay, may pupuntahan pa ata sila eh!" simpleng sabi ko, awkward bes.

Sobrang tahimik namin sa kotse niya, alam niyo yun? Mafefeel niyo talagang something is really wrong.

"Salamat sa paghatid" sabi ko pagkarating namin sa may apartment ko.

"Let's talk. Real talk" sabi niya, sobrang seryoso.

"May problema ba?" tanong ko

"I know you know what's the problem here" tugon ko

"Oo na, mali iyon. Alam kong sinabi ko na saiyo na dapat Twins ang sabihin ko, hindi bestfriend" sabi ko sabay irap sa hangin.

"I'm just a friend, the bestest of your friend huh? sadly it's annoying" napabuntong hininga pa siya

"Eh, nagkamali na nga Eros, eh yun naman talaga diba? Same parin naman yun! hayaan mo na, hindi ko na kakalimutan ang rule na yan!" sabi ko na mediyo irita.

"It isn't the same. I've been telling you all time, you always forget the drill. You're the one who initiated the twin thing yet you always forget it. I'm more than a bestfriend to you, yet.." tinakpan ko na ang bibig niya, ang ingay.

"Oo na. Oo na! Hindi na bestfriend.. Twin, forever twin. H'wag kana mag tampo please? nakakatampo na yang bunganga mo, english ng english! promise, last na yun! okay?" sabi ko, as in kalmang boses dapat ang pairalin dahil ang katulad ni Eros na 'to, walang inaatrasan ang bunganga.

"Sige.. I'll let that pass..i'll see you tomorrow, okay?" sabi niya.

Hindi ko maiwasang kumorte ang ngiting tagumpay sa mga labi ko. Haha! Ang saya talaga.

"Okay Twin, Ingat ka pag-uwi ha? text me pag dating mo sa condo" sabay mahinang pitik sa ilong niya. Sus, kung hindi ka lang talagang special na kaibigan.

-

"Gurl, ano? okay na ba kayo? ano ba nangyari?" si Lexxie, agad interview eh.

"Naku gurl, nagalit dahil pinakilala ko daw siyang Bestfriend, ayaw niya ng ganun, ayaw nga niyang ituring ko siyang Kapatid eh. dapat twin!" sabi ko sabay hubad ng sandals ko

"Huh? kaloka, bakit ano ba gusto niya? honey? loves? babes? Jusko gurl, ang kire ni Fafa Eros. hindi na talaga normal yan" sabi nito

"Gusto nga niya Twin, more than bestfriends but less than brother and sisters, something in between!" sabay buntong hininga ko

Ano ba tayo? (Book 1 √) Where stories live. Discover now