FINALE

6.6K 292 184
                                    

Yours
-

Naiinis ako sobra. Paasa forever! Ano yun? ganun nalang yun? lagi nalang? kung makakiss siya sa akin wala man lang abiso tapos ang nakakairita pa parang wala siyang balak klaruhin kung ano ba kami? sarap tadyakan ng ano eh. Nakakaloka!

"Hoy Mylene Dale, ano ba iyang mukha mo at parang nabagsakan ka ng isang supot na lupa, ha? Eros na naman?! kakalmutin ko na talaga iyang Eros na yan!" si Lexxie habang nag lalagay siya ng kung anong cream sa mukha niya.

"Sino ba naman kasi matutuwa kay Eros gurl, sobrang nakakainis na! Ang kire niya, ang harot harot tapos biglang trip niya lang! bushak siya!" sabay inom ko ng malamig na tubig para kumalma naman ang nagliliyab at kumukulo kong dugo, nakakabadtrip.

"Ayan na kasi ang sinasabi ko sayo gurl eh, hindi mo kinaklaro kung ano kayo, ano ba naman iyong magtatanong ka sakanya kung ano ba kayo diba? episode 1 palang pinupush na namin yan gurl ha, nasa Germany pa siya nun, Kaloka ka!" si Lexxie

"Eh bakit ako magtatanong gurl? babae talaga?" Napabuntong hininga ako

"Ano ba masama sa pagtatanong gurl? Hoy, feelings mo na ang nakataya diyan, gurl! Kung patuloy kang aasa diyan ikaw din ang kawawa! Ang harot pa naman ni Eros, klaruhin mo kasi parang si Eros hindi rin makatiming eh! confused din ata ang lolo mo" seryosong tugon ni Lexxie

"Uuwi siya ng Germany gurl" mediyo malungkot kong tugon at napaupo ako sa isang silya sa aming munting hapag kainan "Tinanong ko sakanya kung anong magiging plano niya sa holy week, ayun, pupunta pala siya ng Germany, wala atang planong sabihin eh! Kainis!" naipatanong ko na ang ulo ko sa mesa dahil nakakadepress eh.

"Aba hoy! Kaloka ha. Ano bang trip ng Eros na yan?! Pa-fall ha?! Ako sayo gurl tanungin mo na! Kung may mapapala ka ba sakanya o ano?! dahil kung kaibigan, kaibigan hindi iyong lalagpas kayo sa limitasyon, baka mag katotoo iyong pa-friends with benefits ni Dom! Ewan ko nalang sayo! Ikaw kawawa diyan!" napasapo na si Lexxie sa noo niya

Tama at talagang may punto itong si Lexxie, ano bang trip ni Eros? hindi niya naman siguro pinaglalaruan ang feelings ko, no? Pero bakit hindi niya parin ako tinatanong? trip niya lang ba makuha ang white flag? kung ganoon, baka pugutan ko muna siya ng ulo! Walanghiya siya.

Habang nag bibihis ako ng pambahay ay nakareceive ako ng text mula sakanya.

Gusto ko tuloy ibato itong cellphone ko, buti nalang naisip ko na mahal 'to kaya wag nalang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gusto ko tuloy ibato itong cellphone ko, buti nalang naisip ko na mahal 'to kaya wag nalang. Kaiyak sobra.

Kinabukasan ngising ngising mukha ni Eros ang bumungad sa akin kaso inirapan ko lang siya sabay sakay ko ng sasakyan niya. Kahit galit ako hindi naman ako tatanggi sa libreng pasakay eh, sayang ang pamasahe sa taxi!

"Still angry?" tanong niya.

At talagang itotopic niya iyong kagabi eh andito si Lexxie? hindi na nahiya itong Eros na 'to.

"Ewan ko sayo! H'wag mo muna akong kausapin!" sabay irap ko sakanya pero natawa siya, natuwa pa ata. Kabwiset ang aga-aga!

"Nakakaloka kayong dalawa ha. H'wag kayo nandadamay ng bad vibes, masyado akong stress oh!" sita ni Lexxie dahil itong si Eros hindi kasi tumitigil sa pangiinis.

Ano ba tayo? (Book 1 √) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon