Episode 10

3.5K 204 52
                                    

Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip nitong lalaking to at talagang hindi na nahiya kay Lexxie.

"Oh, magbihis ka ng damit" sabay lapag ko ng mga damit niya. Ito iyong damit niya na isinuot ko noong dun ako natulog sa condo niya nung sabado

"Later. I've never felt at home like this before Twin. Missing my real bed though" sabi niya, nakahilata parin sa kama ko.

"Bakit hindi ka nalang umuwi? Mas comfy ang bed mo. Nanglait ka pa!" sabi ko habang hinahanda ko ang damit kong pangtulog.

"It feels much better here. Ako lang magisa sa condo and it's lonely!" sabi niya, tinatamad na naman siguro itong mag bihis.

"Magbihis ka na!" sabi ko at nagbihis narin ako sa banyo.

Pagkalabas ko ng banyo ay bihis narin si Eros at nakahiga ulit sa kama ko, aba mabuti naman.

"Ang liit ng kama ko compared sa kama mo, 10pm pa naman twin, uwi ka nalang kaya" sabi ko.

"Kanina ka pa ha. You're already hurting my feelings! Why can't I sleep with you? remember when we had a camp and we shared one tent? we used to sleep in one bed in La Union before too, what's the fuss suddenly?" supladong tugon niya, pikoners na naman.

"Para jinojoke ka lang naman. suplado mo po!" natatawang tugon ko

"Ah forget it. I'm going home" Hala.

Tumayo siya at kinuha ang damit niya kanina at kinuha ang susi ng kotse niya sa may side table ng kama ko.

"Grabeh naman Twin, nagbibiro nga lang eh" pagpipigil ko, anyare? "Pabebe naman oh" I smirked sabay piga ko ng mukha niya

"Grabeh naman Twin, nagbibiro nga lang eh" pagpipigil ko, anyare? "Pabebe naman oh" I smirked sabay piga ko ng mukha niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"What?" bahagyang pag tataray parin niya.

"Tulog na tayo twin" pag lambing ko at napansin kong natatawa na siya.

"Okay!" Oh diba? his pabebe moves always works.

Humiga na ulit siya sa kama at syempre nakahiga narin ako, medyo maliit ang kama pero kasya naman kaming dalawa.

"Hows your day today, twin? Are you happy at work?" tanong niya at aba may payakap pa. Jusmiyo itong bestfriend kong 'to.

Well sa totoo lang hindi na bago sa akin ang ganito ni Eros sa akin, clingy siya pag dating sa akin, ang tanging nagbago lang over the years ay ang naiisip kong husga ng mga tao. Naiisip ko, ano kaya ang iniisip ni Lexxie sa mga oras na 'to? Hay Dale, h'wag mo nalang muna isipin!

Nagkwento ako sa naging araw ko sa trabaho, Iyong napagalitan ako ng direktor dahil sa late sa taping si Kirsten at naging back up ako sa naging role niya. Bawal yun dahil unfair yun sa mga auditionees. Pero, pinatawad naman kami ng boss namin.

"When will Kirsten be ever cautious with her time? she's always like that. I remember during the camp I mentioned earlier na na late kayo dahil sakanya. Good thing we are at school pa" sabi niya

Ano ba tayo? (Book 1 √) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon