Episode 4

3.6K 191 20
                                    

Puspusan na ang aming preparasyon at talagang nakakapressure dahil itong imbyernang Boss Lion na 'to lagi pang nang-aasar!

"Kung hindi lang talaga gwapo ang boss nating yan, pinakulam ko na yan! imbyerna muchie, naiistress ang feslak ko! Imbyernabels!" si Lexxie

"Oo nga eh, grabeh. Hindi niya ba nakikita na sobrang ginagalingan na natin sa trabaho! Ang hirap sakanya dinadamay niya tayo sa pagiging paranoid niya! Kung may vote to evict lang eh!" Asar narin si Ellise

"Ginawa mo pa tong PBB Elisya! Hayaan niyo na, gawin nalang natin ang trabaho natin dahil walang magagawa itong kakahanash natin sakanya!" Buntong hininga ko, totoo naman.

"Eh gurl paano na bukas? Diba nga may site visit tayo bukas? Bukas na dating ni Fafa Eros ah!"

"Gorabels lang Lexxie, alas dos pa naman ang estimated arrival niya bukas eh. Umaga naman ang site visit kaya okay lang!" ngiting sabi ko, buti nalang talaga.

Nasa byahe na si Eros pauwing Pilipinas ngayon, limang taon na hindi ko nasilayan ang pagmumukha niya personal, limang taon na hindi kami nakapag-usap na talagang totohanang hindi dahil sa cellphone lang. Naeexcite na kinakabahan ako. Mas matagal pa kasing nawalay kami sa isa't-isa physically kesa nagsama kami eh. 3 years bilang mag school mate at 5 years bilang chat mate. Kaloka.

Base sa mga pictures niya na pinapadala niya sa akin, pumayat na siya, hindi na siya iyong batang taba noon. For sure iyong mga nagkagusto sakanya noon tiyak piyesta na naman at siguro pag nagkita ulit sila ni Haven aba'y 'ako pala ang sinayang mo' ang drama nila. Well, feeling ko lang naman.

"Gurl, dapat maganda ka bukas ha? hindi pwedeng batang damuho ka bukas, prinsepe ang susunduin mo sa airport!" si Lexxie habang nag-aayos ng kilay niya, landi talaga ng baklitang to.

"Onga Dale, excited na ako. Yee, magkaka-love life na yan! Tagal na nung Ex mo ha." si Ellise

"Ano na naman kinalaman nung Ex ko? kayo nalang hindi nakaka-move'on sakanya" sabay bahagyang tawa ko.

Well, 3 years ago nagka Ex ako. 5 months lang ang itinagal ng relasyon namin, bakit? dahil nalaman kong may iba pala siya, sobrang nagalit sa akin si Eros nun dahil nag padalos-dalos daw ako sakanya, pero move on na ako. Tagal na nun.

"Jusko gurl feeling ko talaga mag kaka-love life kana soon eh. Feel na feel ko dahil pauwi na siya ng Pilipinas." tapos bibong sumayawsayaw si Lexxie

"Pa salon kaya tayo mamaya Dale? wala lang, love yourself nga diba?" suggest ni Ellise

"Ay bet! bet ko yan, gusto ko narin mag change ng hair color! gusto ko happy awra kasi pak na pak ang schedule next week!" si Lexxie

Onga naman, kailan ko ba inayausan ang sarili ko?

"Sige na nga" pag sang-ayon ko.

Puro hagarda pictures kasi ang nabibigay ko kay Eros eh, mas mabuti na yung ma-surprise siya.

"Miss Enriquez, a minute please" biglaang pasok si Boss Trevor sa opisina ko at talagang nagulantang kami, alam mo yun nagkukulitan kaming tatlo at may pa ispaghetting pababa pa si Lexxie. Nakakahiya tuloy.

"Ay kalerky" mahinang tugon ni Lexxie "Sige gurl, mamaya ulit. Alis na muna kami, bye Sir" malanding tonado ni Lexxie

"Yes Sir?" tugon nung nawala na ang pagka windang ko.

"I'll be joining the site visit tomorrow. I want you all to be there at exactly 10am, no late meet-ups. The heads of the fast food chain will be joining us tomorrow. This is a big project Ms. Enriquez, let's do our best" at umalis na siya agad at may sighting muna siya sa opisina ko. First time niya atang nakapasok.

Ano ba tayo? (Book 1 √) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon