Episode 13

3K 192 22
                                    

Kabila't kanan ang papuring natamasa ko kinabukasan pag pasok ko sa trabaho. Sobrang saya. Walang humpay na congratulations ang bati nila sa akin pati sa team ko.

"May pakain si Sir Trevor this lunch time daw" sabi ni Sir Joe.

Not an office day for everyone of us dahil sabado at hindi kami nakauniform kaya game lahat sa celebration.

"As of 8 hours since release, the first part garnered 7million views in Youtube. Maraming heartbroken sa video! andaming nakarelate!" natatawang tugon ni Aila, staff ko.

"Curious as I am, bakit ganun ang concept mo Miss My? Hindi naman siguro ganun ang balak mong takbo ng buhay niyo ni Eros, ano? masakit yan!" si Sir Von, kaloka.

"Grabeh kayo! It was just a sudden Idea, unique nga eh pero hindi kasama sa personal na buhay ko yun no!" I defended myself

"So, may balak mag level up si Miss My at Eros?!" si Aila

"Anong may balak? eh level up na nga eh!" si Lexxie at pinandilatan ko siya. Walanghiya.

"Oh diba?"

Nagtawanan sila. Hay, ewan ko ba! Hindi na talaga nawala sa sistema ng mga kasamahan ko ang pag uugnay sa akin ng mga kasamahan ko. Ang akin lang sana hindi malaman ni Eros ang mga 'to dahil nakakahiya, baka ano pa isipin niya., bestfriends kami.

Tsaka biglaan kong naalala ang nakita ko kagabi, Andito na si Haven sa Pilipinas, na sa pagkakaalam ko ay pumunta ng Singapore para mag masters. Malamang makakasama siya ni Eros sa malakihang project na ito. Oh diba? Who knows? Na heartbroken si Eros dahil kay Haven, he liked him too much, and safe to assume na isa si Haven sa mga bigating dahilan kaya umalis at bumalik si Eros sa Germany. Hay!

"Ate My!" si Kirsten "Congratulations!" sabay hug at kiss niya sa akin, alam niyo iyong biglang natahimik ang ibang kasamahan ko at kitang kita ko ang pagtaas ng kilay ni Lexxie nung makita niya kami ni Kirsten.

"Salamat Kirsten, mabuti naman at andito ka., nakapag pahinga ka ba ng mabuti? the shootings were really hard for you, okay ka naman diba?" tugon ko

"Yeah, I'm okay. By the way, nakita mo ba ang post ni Chris sa facebook, andito na pala si Haven! Nagkita na si Eros at Haven no? I wonder if everything's okay na." sabi ni Kirsten out of the blue

"Oo nakita ko pero mas mabuti narin iyong nagkita na sila, tsaka dapat nga mag-usap na sila eh para maayos nila ang gusot sakanila diba?" sabi ko sabay inom ng juice

"Sus! Kung ako kay Eros, I won't settle for less. He must get over with Haven na noh, sayang ang kapogian niya if he ends up clinging to past parin. He should consider other girls" sabi niya at bahagyang napatango lang ako to at least agree.

Sa totoo lang may point si Kirsten, kung ako lang din ang masusunod hindi na ako magpapaapekto kay Haven, pero more on sana maconsider ni Eros iyong nangyari sakanila. May lokohang nangyari, akala ni Eros walang sabit si Haven dahil ito naman ang pinapakita sakanya pero ang too pinahirapan niya lang si Eros at biglang iniwan sa ere. Maraming bumilib sa naging pakikitungo ni Eros at Haven sa isa't-isa eh, ideal sila dahil bukod sa mutual feelings, gwapo at maganda pa, ayun, taken na pala si Haven kay Paul. Hay!

"Hayaan nalang natin sila Kirsten, matanda na sila at lalo na si Eros, matanda na siya alam niya na ang tama at mali." ngising tugon ko

"Sabagay, ate My anong plano mo sa valentines? I'm planning to conduct a get together. Si Chris kasi at Ymar nagyaya ng date, I can't date them. Kaya napagpasyahan nalang na magkaroon ng mini reunion, what do you think? Nasa Pilipinas ang team Architect, it's the best plan" Hala.

"About sa valentines.. mukhang hindi ako pwede eh" sabi ko, jusko.

"Eh? May date ka? sino?" mediyo nagulat ako sa tanong ni Kirsten "Grabeh ka, may tinatago ka ba sa akin?" her face became serious.

Ano ba tayo? (Book 1 √) Where stories live. Discover now