Episode 17

2.7K 186 17
                                    

We're okay

-
"There, jusko ang ganda mo gurl" si Lexxie

Napatingin ako sa salamin at Oo nga! char. Wala na akong time na magpaayos kasi dahil sa trabaho, hindi naman pwedeng mag undertime ako sa trabaho dahil lang sa may date, as in friendship date kami ni Eros, unfair yun sa may mga jowa at piniling magtrabaho. Ang drama ko.

"Salamat gurl! Oo ang ganda ko, galing mo talaga gurl! Kung hindi na tayo masaya sa trabaho natin ngayon, alam ko na anong magandang business!" natatawang tugon ko

"Parami muna tayo ng datung bes para iwas stress sa pera, then igora natin ang business nating yan!" natatawang tugon ni Lexxie "Sige na gurl, isuot mo na iyong dress mo" sabi niya at sinunod ko naman.

"Gurl! Omg! Ang ganda mo, perfect ang simple makeup and hair mo! Jusko gurl, baka mapaisip si Fafa Eros kun ibebestfriend ka ba niya forever, jusmiyo!" si Lexxie

"Loka ka gurl! minsan lang to kaya tadtarin mo na ako ng pictures" ngising tugon ko at may iba't poses pa ako na parang mowdel, with w. hahaha

Napalundag ang puso ko noong may narinig na akong nag door bell sa labas ng apartment namin. Ewan ko kung bakit pero kinabahan ako ng slight. Ang oa.

"Ayan na gurl, ako na magbubukas! Papaakyatin ko si Eros dito dahil gusto ko, see for yourself ang peg" nakakaloka si Lexxie at talagang bumaba siya sa may gate.

Oo. Mas pinili ko na ituloy ang date namin ni Eros, masama ang loob ko kay Kirsten pero mas pinili ko nalang na intindihin siya dahil yun naman ang dapat. Iyon ang dapat kong gawin. Pero, ang pakinggan si Kirsten para kay Haven? Hindi ko magawa. Niloko niya si Eros at higit sa kanino man ay ako ang nakakaintindi at nakakakilala kay Eros kaya bahala na.

"Gurrrrl! si Prince Charming andito na!" si Lexxie talaga.

Ewan ko pero biglang parang gusto lumuwa ang puso ko sa dibdib ko. Ewan.

"Wow" sabi ni Eros.

Eh sa totoo lang ako dapat magsabi niyan sakanya, ang gwapo niya. Pero minsan hindi ko na sinasabi sakanya dahil wala na naman sigurong bearing kung sabihin ko ito dahil sanay na siya.

"Wow ka diyan. Ganda ko no?" sabi ko na natatawa

"Yes. Ang ganda mo Twin, here" naks, may flowers, bouquet at sobrang laki.

"Ay shet. umalis na nga kayong dalawa before ako mainis. Nakakainggit." paiyak iyak pa si Lexxie nang sabihin ito. baliw talaga.

"Of course, Lexxie. I have something for you!" at aba may pa flowers din pala si Eros kay Lexxie at may chocolates pa, tinago niya pala may kotse. haha baliw talaga itong si Eros pero si Lexxie sobrang saya niya.

"Salamat Eros, first time." si Lexxie

"Of course. You're a good friend to Mylene so you deserve something like that. Happy Valentines" ang sweet niya.

"Sige na gora na kayo! baka mamaya mapasama pa ako sa date niyo. sige kayo!" natatawang tugon ni Lexxie at umalis na kami.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko

"Somewhere special, of course" ngising sabi niya. "I made a special effort for my valentine's date tonight, for the girl next to my Mom and Ate!" nakangising tugon niya at ewan ko kung bakit masayang masaya ako. Alam niyo yun? feeling ko sobrang tama ang naging desisyon ko sa pagpili kay Eros, sa pag pili ko ng valentines date naito over my bestfriend Kirsten, guilty man ako pero masaya ako.

Pumunta kami ni Eros sa top view, iyong pinuntahan namin noong isang araw, asusual over looking ang buong city. May Table and chairs at talagang may pa dinner dito. Sympre may pagkain na dahil may buffet at may waiters din. Nakakaloka.

Ano ba tayo? (Book 1 √) Where stories live. Discover now