Jollibee 8

2.2K 136 168
                                    

Jihoon's

"Hyung, una na ako."

Kinuha ko na yung scarf ko at pinalupot sa leeg ko. I waved my goodbye bago lumabas ng building. I sighed at nagsimula nang maglakad. Eventhough it's cold, maglalakad pa rin ako. . . mas madami akong oras para mag-isip.

I hid my hands inside my pocket. . . ba't ko nga ba iniwan yung gloves ko? Sobrang lamig.

Tumakbo ako agad nang makita ko na ang Jollibee, the same branch kung saan ko lagi nakikita yung mascot. I checked my watch. . . it's 3 AM at wala ng tao sa loob ng Jollibee. I walked inside looking around.

Dumeretso ako sa counter at nag-order na. Kinuha ko yung number ko at umupo sa upuan na pinaka-malapit sa counter. Sumalumbaba ako ulit habang nakatingin pa rin sa malayo.

Ilang kanta pa ba ang kailangan kong tapusin? Pero wala na talagang pumapasok sa utak ko. Araw-araw, uuwi ako ng 3 or 5 AM tapos papasok ng 10 AM. Minsan 'di na ko umuuwi at magdamag na nasa recording room.

Pati si Bumzu Hyung at si Junhui nagtatanong kung ano daw bang problema ko. Nung kami pa kasi ni-- basta siya-- halos madaliin ko ang isang kanta. Mabilis akong makaisip ng lyrics, motivated, inspired. . . but he left.

Maybe he took the melodies with him...

Dati kapag iniisip ko siya nakakabuo ako ng masayang kanta pero ngayon kahit anong isip ko sakanya, wala. Puro malulungkot na ala-ala. Hindi na ko makagawa ng kanta dahil bandang dulo, iiyakan ko rin.

It's my fault. In-attached ko yung sarili ko sakanya. Sinanay ko yung sarili ko na nand'yan siya. Nakalimutan ko na, pwede pala niya kong iwan. Na hindi siya permanente. Sinanay ko yung sarili ko na nand'yan siya palagi sa tabi ko, kaya nung nawala siya, nawala rin ako.

"Ang lalim ah? Lagi ka na lang malungkot."

Isang lalaking may suot na uniform ng Jollibee ang umupo sa harap ko. Kulay blue ang buhok niya at singkit na singkit ang mata. Nakangiti siya saakin kaya inirapan ko siya.

"Uy! Lagi kitang nakikitang malungkot. May problema ka ba?"

"Ngayon lang ako pumunta rito."

"Weeeh? Pangatlo mo na 'to e."

"Paano mo nalaman?"

"Lagi nga kitang nakikita. Dito kasi ako nagtr-trabaho."

"..."

"Parang pasan mo ang mundo ah? Hindi ka pa ba nabibigatan?"

"Gago!"

"Ay oh! Close tayo? Close tayo?"

"Sino kaya dito ang fc? Sino ka ba? Crew ka ba dito?"

"Wow! Dalawang beses mo na kong niyakap pero 'di mo pa rin ako kilala?"

"Epal! Kelan kita niyakap huh? 'Di nga kita kilala ee."

"Ako nga kasi yung mascot ng Jollibee. . . yung nasa loob."

Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Nakalimutan ko. . . may tao pala sa loob nung mascot na yun. Nakalimutan ko na hindi pala talaga si Jollibee yung nagpapasaya saakin, kundi yung tao sa loob. Yung taong handang magsakripisyo at ramdamin ang init sa loob ng malaking mascot kapalit ang kasiyahan ng mga bata. . . kasiyahan ko.

Siya pala yung nagmo-motivate saakin na kahit gaano kasakit, kailangan ko pa ring ngumiti. Siya pala yung nagpapalabas ng totoong ngiti sa labi ko. Siya pala yung dahilan kung bakit may isa akong kantang nabuo.

"So, mukhang malaki nga yang problema mo."

"Ano-- anong pangalan mo?"

"Soonyoung. . . Kwon Soonyoung. Gusto mo pati number ko?"

"Wag ka ngang--"

"Here's your order Sir. Wala na po bang kulang?"

"Wala na. . . Thank you."

"Thank you, Sir. Hey, Hosh."

"Hi Gyu."

"Kala ko Soonyoung pangalan mo?"

"Oo nga. But you can call me Hosh. . . Naega Hosh!"

May kung ano siyang ginawa sa kamay niya at nilagay sa mukha niya. Basta para siyang nagpose sa harap ko tapos ngumiti na halos mawala na yung mga mata niya. Umirap na naman ako. Napakalikot naman ng lalaking to.

Zinipper ko na yung jacket ko at tumayo. Kinuha ko na yung supot sa table at naghanda nang umalis. Kaso may binigay siyang tissue paper saakin. . . at nakasulat dun yung number niya. I looked at him confused but he just smiled again. . . damn. His smile is beautiful.

I just remained emotionless kahit na nahahawa na ko sa ngiti niya.

He gestured a smiling face to me. . . like how he do it with his mascot on. I just smiled at him, genuinely, and waved goodbye.

Hindi man si Jollibee ang nakita ko, nakita ko naman yung totoong taong nagpapalabas ng ngiti ko. It's him, that Soonyoung Kwon, siya yung nagiging inspiration ko. That Soonyoung Kwon can make me smile eventhough I'm broken inside.

Tinignan ko yung tissue paper na sinulatan niya ng number niya. . . I can't help but to smile again. Ewan ko pero may kung ano sakanya na mapapangiti ka nalang. 'Pag nakita mo siya, gusto mo na lang ngumiti. Kahit sirang-sira na yung araw mo, kahit ang lunkot-lungkot mo, pero 'pag ngumiti yung Soonyoung Kwon na yun, mapapangiti ka na lang din.

That Soonyoung Kwon. . . that weird Soonyoung Kwon. . . I want to know him more.

🎵🌟🎵🌟🎵🌟🎵

🎵🌟🎵🌟🎵🌟🎵

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naega Hosh 😎

sana may "soonyoung kwon" din kayo na makakapag-pangiti sainyo kahit nakakaputangina yung gobyerno (char not char)

Jollibee | SoonHoon ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon