Jollibee 36

1.9K 113 56
                                    

Jihoon's

"Yow Ji!"

Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Soonyoung. Nakangiti siya saakin at masayang tumatakbo papalapit. I sighed, ayokong mawala ni isang segundo yung ngiting yun sa mukha niya. Paano ko masasabi sakanya na hindi siya tinanggap at yung kanta niya nang hindi siya nasasaktan?

"Hoy!"

"Oh?"

"Ang tamlay mo. May sakit ka?"

Lumapit pa siya lalo at hinawakan ang noo ko, pisnge ko, at yung leeg ko. Kumunot ang noo niya tsaka ulit hinawakan yung noo ko pati yung noo niya sa dalawa niyang kamay.

"Mukhang wala naman."

Tinaggal ko yung kamay niya sa noo ko tsaka ko siya inirapan.

"E kasi wala naman talaga."

"E ba't ang tamlay mo?"

"..."

"..."

"Ano nga yung sasabihin mo? Bat ka nakipagkita saakin?"

"E ikaw, kumusta yung kanta? Anong sabi ng boss mo?"

"Good news ba yung sayo?"

"Oo. Hihi!"

"..."

"O yung sayo?"

"Ikaw na muna."

"Hindi, ikaw muna."

"Ikaw muna!"

"Hindi ako natanggap 'no?"

"..."

"Uy! 'Wag kang yuyuko. 'Di ako natanggap no?"

"... Sorry Soons."

"..."

"Uy, sabi ko sorry."

"..."

"Uy!"

Nag-angat ako ng tingin at nakita siyang nakatingin lang saakin. I blinked a couple of times habang hinihintay siyang magsalita.

"Ano yung good news mo?"

"Anong sabi ng Boss mo?"

"..."

"..."

"Soons. . ."

"Ok lang. Anong sabi niya?"

"It's beautiful, you have the potential pero. . . he considered the state of our entertainment. Hindi ito kalakihan so, he's looking for something. . ."

"..."

"Something that is more than just a potential. Something that is beyond beautiful. . . I'm sorry!"

He smiled at me, yung ngiti niya kanina, tsaka pinat yung ulo.

"Maganda daw? Tsaka may potential?"

"Oo."

"Atleast isang CEO ng isang Entertainment ang nagsabi na maganda yung kanta na gawa ko. Masaya na ko dun 'no! Tsaka, ba't ka nagsosorry?"

"..."

"Wala lang yun 'no. 'Di rin naman ako umasa kasi hindi ako kasing professional niyo. Ayos lang!"

Jollibee | SoonHoon ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon