Jollibee 25

1.9K 121 38
                                    

Jihoon's

I hummed as I walked inside the practice room. Nakita ko sina Jun at Minghao, kasama si Dino, na nagtuturo ng sayaw. Nagkatinginan kami ni Hao kaya inirapan ko siya. Mainit talaga dugo ko sa bwusit na to e.

"Hi Jihoon!" - Jun

"Hi hyung!" - Chan

"Hi!"

"Bakit ka napunta dito? Akala ko dun ka lang sa recording room mo e." - Jun

Lumapit si Junhui saakin at ginulo ang maayos kong buhok. Sa inis ko tinapakan ko ang paa niya at lumapit kay Chan na naka-upo katabi ni Hao.

"Hoy!"

"Hyung, may pangalan ako!"

"Pinapatawag ka ni Bumzu hyung, nakaschedule ka na sakanya."

"Hyung, 'di ikaw magmomonitor saakin?"

"Hindi e. Akin kasi naka-assign yung rapper na 'di ko pa nakikita. Si Hansol."

"Ah! HVC."

"Oo yun. Pinapasabi lang niya since dadaanan ko rin naman 'tong practice room. Mauna na ako!"

"Bye Ji!"

"Bye Hyung!"

"Ge."

Lumakad na ko palabas dahil alam kong naghihintay na si Soonyoung doon. 3:15 na kasi at 3 ang usapan namin. Pero sa paglabas ko ng pledis, hindi si Soonyoung ang sumalubong saakin. . .

Anong ginagawa ni Cheol dito?

"Ji. . ."

"..."

"Nalaman kong naka-usap mo pala si H--"

"Didn't I ask you a favor not to come near me? Not to talk to me?"

"Ji, I just want to explain."

"You don't have to. . . alam ko na. Naiintindihan ko na."

"Just please. . ."

"Naiintindihan ko na nga! Bakit ba gusto mo pang iexplain saakin!? Ayokong marinig mula sayo na mahal mo si Jeonghan hyung. Ayaw ko na manggaling pa sa'yo lahat. I don't want you to confirm whatever Jeonghan hyung said."

"..."

"Naiintindihan mo ba huh, Cheol? Ayaw ko na manggaling pa sa'yo na iniwan mo ako dahil kay Jeonghan hyung. Kaya please lang! Bakit ba paulit-ulit mo na lang akong sinasaktan!?"

"Ji. . ."

"Akala mo ba pag nag-explain ka mababawasan 'tong sakit na nararamdaman ko? Tangina naman Cheol! Bakit ba ang selfish mo? Mag-eexplain ka dahil ano? Dahil nag-guilty ka? Mage-explain ka para mabawasan yang nararamdaman mong guilt, hindi ba?"

"Hindi ganun yun, Ji."

"Then give me a good fucking reason kung bakit kailangan mo pang magpaliwanag? You know me, Cheol, kung gusto kong marinig yang mga putanginang explanation na yan ako mismo ang lalapit at mamimilit sayo na mag-explain!"

Tinignan ko siya at nakita ko sa mga mata niya na nasasaktan din siya. Pag nakikita ko yung lungkot sa mga mata niya noon, niyayakap ko siya para icomfort siya. Kakantahan ko siya at paglalaruan ko yung buhok niya. . . pero kahit gusto kong gawin ngayon lahat ng yun sakanya, hindi pwede. Wala na ko sa pwesto at wala na kong karapatan.

Nag-iwas ako ng tingin sa mga mata niya dahil kapag pinatagal ko pa baka bumagsak 'tong mga luha ko. Mas nasasaktan ako ngayong nakikita ko siyang malungkot pero wala ako sa posisyon para pagaanin ang loob niya.

"I also want to check if you're ok. If you're doing fine. If. . . you're happy."

"Why do you have to know?"

"Ji, you're still my bestfriend and I still care for you--"

"I'm doing fine. I'm ok. Please Cheol. . ."

"..."

"Lumayo ka muna saakin."

"Hindi ko kaya. . . 'di ko pala kaya. Ji magkaibigan tayo at 'di ako mapapanatag kung 'di ko alam kung ayos ka ba. Kung ligtas ka ba."

"'Di mo naririnig 'yang sarili mo?"

"I'm sorry. . ."

"..."

"I'm sorry kung concern ako at nandito ako ngayon sa harap mo. Sorry kung sinanay ko yung sarili ko na ako yung nababantay at nag-aalaga sayo. Sorry! Sorry kung nasaktan kita. Sorry kung pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo. Sorry kung--"

"Stop!"

"Ji please. . . makinig ka saakin."

"Cheol, please tama na!"

"..."

"Ako din naman ah? Nasanay ako na ikaw ang laging nand'yan para saakin. Nasanay ako na ikaw ang nag-aalaga saakin. . . pero Cheol, nag-adjust ako kasi yun ang ikakasaya mo. Kahit nasanay ako, nag-adjust ako kasi alam kong wala ka na para alagaan ako. Cheol, sinasanay ko ang sarili ko na wala ka. . . ayoko nang masaktan ng paulit-ulit!"

"..."

"Kung 'di mo ako kayang balikan ulit. . . Kung 'di mo ako kayang mahalin ulit. . . Please lang, 'wag mo na kong paasahin. 'Wag mo na kong saktan ng paulit-ulit. Pagod na ko."

Tumalikod ako dahil 'di ko na kayang makita ang lungkot sa mga mata niya. Tumakbo ako papasok ulit sa Pledis at dumeretso sa pinakamalapit na CR na nadaanan ko.

I saw myself on the mirror. . . and burst out crying. Ang tanga ko dahil iniiyakan ko na naman siya. Ang tanga ko dahil sinasayang ko na naman ang luha ko para sakanya.

Ang tanga ko dahil umiiyak ako hindi dahil sa nasaktan ako, kundi dahil nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

Ang tanga ko dahil umiiyak na naman ako nang dahil sa lalaking paulit-ulit akong sinasaktan. Ang tanga ko para maramdaman ang sakit sa bawat pagtitig sa malungkot niyang mata.

"Oh!"

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Hao na nakatingin din saakin. Inabot niya yung panyo niya habang tinitignan parin ang mga mata ko.

"Huwag kang mag-alala, malinis yan."

"Hao. . ."

"Huwag ka na ulit iiyak, ang panget mo."

Kinuha niya yung kamay ko at pinatong yung panyo. Ginulo niya din yung buhok ko bago ngumiti saakin.

"Mauna na ako."

"Salamat."

🎵🌟🎵🌟🎵🌟🎵

🎵🌟🎵🌟🎵🌟🎵

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Jollibee | SoonHoon ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon