Jollibee 98

1.4K 101 56
                                    

Calling: Manager hyung

[Call connected...]

"Oh, Seok?"

"..."

"Hoy!"

"Hyung. . ."

"Sasabihin ba natin?"

"Kailangang malaman ni hyung."

"Oh magkakasama pala kayong tatlo. Halos araw-araw na yan. Daig niyo pa magsyota dahil sa--"

"Hyung, si Jihoon hyung."

"... Anong nangyari kay Jihoon!?"

"He's leaving."

"..."

"Hyung? Ngayon, aalis siya. Babalik siyang New York."

"P-pero. . . wala siyang sinabi. Joke time ba 'yan? Hindi na 'yon babalik sa New York no!"

"Hyung, sana nga joke lang 'to."

"Nasa airport kami ngayon."

"Hindi na ko natutuwa sa biro niyo, ah."

"HINDI KASI KAMI NAGBIBIRO!"

"KWAN!"

"B-bakit ka umiiyak, Kwan?"

"AALIS ULIT SI HYUNG, THIS TIME HINDI KO ALAM KUNG KAILAN SIYA BABALIK. THIS TIME WALA TAYONG KASIGURADUHAN SA PAGBALIK NIYA!"

"S-seryoso ba talaga kayo? Please, ayoko ng ganyang biro."

"Hindi na namin siya kayang pigilan."

"Hyung, nasaan ka ba? Hindi ka ba pupunta dito?"

"Hindi na ba talaga siya papapigil?"

"TANGINA NAMAN HYUNG E! E ano ngayon kung hindi siya papapigil? Hahayaan mo na lang ba siyang umalis ulit nang wala kayong pinanghahawakang dalawa?"

"Tama si Kwan. New York lang 'yon, Hyung. Mapupuntahan mo 'yon."

"Hyung, hahayaan mo na lang bang magtapos kayo ulit ni Jihoon hyung nang ganito? Nasaan ka na!?"

"A-anong gagawin ko?"

"BIGYAN MO NG LINAW ANG KUNG ANO MANG MAYROON SAINYONG DALAWA! HINDI PWEDENG AALIS SIYA DITO NG WALA KAYONG KASIGURADUHAN!"

"Huwag mo nang hahayaan na masaktan pa uli kayo ng paulit-ulit. Kung talagang mahal niyo ang isa't-isa, gagawa kayo ng paraan para hindi magtapos ang namamagitan sainyong dalawa."

"Hyung, lagyan mo na ng label habang nandito pa. Kaya mo pang humabol. Hyung, kahit hindi sabihin ni Jihoon hyung, alam kong hinihintay ka pa rin niya."

Jollibee | SoonHoon ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon