Jollibee 71

1.6K 107 74
                                    

Convo Format:
GyuSeokSoon

🎵🌟🎵🌟🎵🌟🎵

Soonyoung's

"Seok, ayos na ba?"

"Oo naman, boss."

"Ikaw, Gyu?"

"Ok. Nafinalize ko na. Ikaw Boss, ayos ka ba?"

"Huh? Oo naman."

"Baka kinakabahan ka ah."

"Ano ka ba Seok, ba't naman ako kakabahan?"

"Kasi aamin ka na bukas. Ayieeeee!"

"Akala ko talaga forever torpe ka na e. Pero naalala ko, wala nga palang forever."

"Porke iniwan ka ni J--"

"Huwag mo nang banggitin ang pangalan nung lalaking yun. Nakamove on na ako."

"Pero ba't ayaw mong banggitin ko? Ayieeeeee~ mahal mo pa 'no?"

"Hahaha! Pwede ba yun? Kahit isang taon na kaming wala, mahal ko pa? Syempre hindi na."

"Ay shit, Seok. Yung mata mo lumuluha!"

"H-huh? Gago ba kayo? Ba't naman luluha ang mata ko? Pawis yan sa sobrang pagod ko ngayon. Omg! Yung mata ko, nagpapawis! Tissue please!"

Sabay kaming umiling ni Gyu at iniwan na lang si Seok doon na umiiyak. Tangina, 'di pa pala nakamove on dun sa ex niya. Ang lakas ng loob na magsabing naka-move on na pero ayun, iniiyakan pa rin. Tsk!

Andito kami ngayon sa Carat Garden. Nirentahan ko muna for two days kaya 'di muna magbubukas yung Garden hanggang bukas. Nandito kami nina Seok ngayon para magset-up. Ngayon ko na kasi itutuloy yung naudlot kong surpresa para kay Jihoon. Hindi ko na sa Jollibee ginawa dahil baka sawa na siya sa mga pagkain doon.

Si Gyu yung pinaluto ko at si Seok naman ang katulong ko sa pag-aayos. Si Kwan naman ang magdadala kay Jihoon dito.

Yung Mama nga pala ni Kwan, nadala na nila sa America. Sumama yung Ate ni Kwan para siya ang magbabantay. Si Jihoon naman ang magbabantay ngayon kay Kwan. Nakatira na sila sa bahay nina Kwan dahil binebenta na ni Jihoon yung unit niya.

"Hindi ka ba kinakabahan para bukas, Hyung?"

"Kinakabahan."

"E bakit itutuloy mo pa rin?"

"Kung paiiralin ko yung kaba, may mangyayari ba saaming dalawa? Kung 'di pa ko aamin ngayon, kailan pa? Tutal alam na rin naman niya na gusto ko siya kaya sasabihin ko na."

"Sinabi mo ba 'to kay ano. . . sino nga yun? Yung textmate mo?"

"Si Junhui? Hindi ko sinabi sakanya. Baka sabihin niya kay Jihoon e. Ang daldal pa naman nung lalaking yun."

"Don't worry hyung, ready na lahat. Kami na ni Seok ang bahala sa pagkain at sa pagdedecorate. Huwag ka nang mag-alala, magpractice ka na lang ng sasabihin mo sakanya."

"Yan ang gusto ko sainyo e."

"Naman hyung! Basta ba tataas ang sahod namin, game kami."

"Hi guys!"

"Oh tapos ka nang umiyak?"

"Hindi nga ako umiyak! Namamawis lang yung mata ko."

Jollibee | SoonHoon ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon