Jollibee 49

1.8K 101 43
                                    

Jihoon's

"Oh manager-nim. . ."

"Seok, si Jihoon!?"

"Ayun oh. Ilang araw na siyang tumatambay dito. Hinihintay ka ata."

"Ba't di niyo pinapauwi?"

"Anong hindi!? Hahatid pa nga namin sa sakayan kasi bilin mo saamin pero ayaw niya talaga e."

"Sige Seok. Salamat! Puntahan ko muna."

"Ok. Hatid mo na yan pauwi. Mukhang wala pang tulog e."

"..."

Nag-angat ako ng tingin nang maramdaman ko na papalapit na si Soonyoung. Umupo siya sa harap ko habang nakatingin lang saakin kaya yumuko ako ulit. Ngayong nandito na siya sa harap ko. . . biglang pumasok sa utak ko yung limang araw na iniiyakan ko siya.

Hindi ko alam kung bakit ko siya iniyakan ng limang araw dahil lang iniiwasan niya ko. Maybe because hindi ko alam kung ano yung rason niya? Maybe because bigla na lang niya kong iniwasan kahit wala naman akong ginagawa sakanya? O baka. . . baka natakot ako na iwan na naman ako ng isang taong naging malapit na saakin?

Lagi kong sinasabi na isang malaking parte na ng buhay ko si Soonyoung. Isa siya sa mga piling taong pinagkakatiwalaan ko. Actually tatlong tao lang naman ang pinagkakatiwalaan ko dati. . . at si Soonyoung, kung gaano ako katagal magtiwala sa tatlong yun, ganun naman kabilis ang pagtitiwala ko kay Soonyoung.

Kaya natatakot ako na baka iwan niya rin ako. Napagisip-isip ko sa limang araw na yun na kaya ayaw kong iwasan si Soonyoung ay dahil natatakot akong iwasan din niya ako at iwan ako.

"Ji. . . uwi na tayo."

"..."

"Tara na!"

"..."

"Jihoon."

"Soons. . ."

"..."

"Kausapin mo na kasi ako."

"..."

"Wala naman akong ginawang mali diba? May nasabi ba akong masama sayo?"

"..."

"Wala naman akong ginawa e. Bakit mo ba ako iniiwasan!?"

"Ji, 'wag dito."

"Ganun ba ko kadaling talikuran? 'Di ka ba nahirapan na iwasan ako?"

"..."

Nagalit ako sakanya, oo. Nagalit ako kasi feeling ko napakadali sakanya na iwasan ako. Napakadali sakanya na 'wag akong kausapin. Nagalit ako na sinabi nyang ayaw niya akong umiwas sakanya pero siya itong umiiwas saakin ngayon.

Gusto kong sabihin sakanya lahat ng galit ko pero ngayong kaharap ko siya. . . puro tanong ang lumabas sa labi ko. Mga tanong na limang araw kong hinanapan ng sagot. Mga tanong na limang araw kong iniisip.

"Ji. . ."

"Lagi niyo na lang ba akong tatalikuran at iiwan? Lagi na lang bang ganito!? Kapag mahalaga na kayo saakin tsaka kayo iiwas, tsaka niyo ko iiwan."

"..."

"Ikaw, si Mama, si Papa, si Cheol, si Kuya! Lahat kayo!"

"Ji, hindi ganun yun."

"E ano!?"

Lahat sila sa ganito nag-umpisa. Umiwas, 'di ako kinausap, tapos malalaman ko na lang na wala na, iiwan na nila ako. Simula pagkabata, iniwan na ko ng Papa ko. Akala ko kasama ko pa sina Mama pero ayun iniwan rin ako. Si Kuya na nag-alaga saakin, akala ko habang buhay kasama ko, pero iniwan din ako.

Kahit sabihin ni Cheol na hindi naman niya ko iniwan, pakiramdam ko iniwan niya pa rin ako. Dapat ngayon palang nasasanay na ako pero hindi, mas lalo akong natatakot. Mas lalo akong natatakot na sa bawat paglapit ko sa tao, 'pag mahalaga na sila saakin, iiwan na nila ako.

I trust Soonyoung, at alam kong 'di niya ko iiwan. Akala ko dahil gusto niya ako 'di na niya magagawa yun pero nung nagpasya siya na iwasan ako, bumalik yung takot ko. Takot na magpahalaga ulit. Takot na maiwan ulit.

"Promise. Hindi ganun yun. 'Di kita iiwan Jihoon."

"Muntik na nga e."

"Nagisip-isip lang ako. Nagpahinga. Busy lang ako diba sinabi ko na sayo."

"Busy ka rin naman noon pero nagagawa mo pa rin akong ichat. You totally ignored me this time. . . parang 'di ako nageexsist sayo."

Ofcourse I know his lying. Ofcourse I know what is his true reason. Umiiwas siya kasi natatakot siya na baka ako ang umiwas sakanya kapag nalaman kong gusto niya ko. 'Di ko alam kung ano yung logic niya. . . 'di ko maintindihan yung point niya. . . nakakainis!

"I'm sorry. . ."

"Soons sabihin mo na lang saakin kung iiwas ka pa ba, para 'di ka na mahirapan ako na mismo ang--"

"Shhhh!"

"..."

"No! I'm sorry, ok? I'm sorry!"

Hinila niya ako at bigla niya akong niyakap. This feels more comfortable than hugging him with his mascot on. I rest my head on his chest and I can hear how fast his heart beats are.

"Hindi ko na gagawin yun. Promise! I'm sorry! I'm sorry!"

He rubbed my hair habang bumubulong pa rin ng sorry saakin. I just closed my eyes as I tighten my grip on his shirt.

I know na sa ginawa kong 'to baka. . . baka mas lalong lumalim ang nararamdaman niya saakin pero kasalan ko ba? Kasalanan ko bang natakot ako na tuluyan na siyang umiwas saakin? Kasalanan ko bang natakot akong maiwan ulit ako?

"Promise?"

"I promise."

"..."

"I'm sorry Jihoon!"

"..."

"Tara na. Uuwi na kita."

"Midnight shift ka na ba?"

"Makikipag-palit ako next week. 'Wag ka munang pupunta ng midnight dito. Delikado sa daan."

"..."

"I'm sorry Ji. Tara na?"

"..."

"Nga pala. . ."

"..."

"Ngayong dumating na ako sa buhay mo. . . wala na akong balak na umalis pa."

🎵🌟🎵🌟🎵🌟🎵

🎵🌟🎵🌟🎵🌟🎵

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💕

Jollibee | SoonHoon ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon