Jollibee 69

1.5K 97 65
                                    

Jihoon's

I sighed bago pumasok sa cafe kung saan kami magkikita nina Seungcheol at Jeonghan hyung. Nakita ko sila agad na nakaupo sa may gilid at nag-uusap. Lumapit ako at umupo sa harap nila.

"Hi Jeonghan hyung!"

"Hi Jihoonie!"

"..."

"..."

"..."

"Nasaan yung hi ko?"

"Pake ko naman sayo?"

"Wow naman Jihoon!"

"Kumain ka na ba?"

"Oo, hyung."

"Ano bang sasabihin mo Jihoon?"

Natahimik ako at napayuko dahil sa tanong niya. Akala ko sigurado na ako at buo na ang desisyon ko, pero ngayon nagdadalawang isip ako. Gagawin ko ba talaga 'to?

Pero kailangan ko, para kay Seungkwan, kay Mama Boo, para saakin, para sa pangarap ko. Kailangan kong gawin 'to kasi kailangan ako nina Seungkwan. Malaking tulong 'tong offer na inaalok saakin ni Cheol. Matutulungan ko sina Mama Boo kung tatanggapin ko ito.

Pero handa ba ako? Handa ba akong harapin yung consequence after kong tanggapin 'to? Handa ba akong iwan ang Pledis? Sina Kwan? Si Soonyoung? Handa ba akong iwan sila?

No. . . hindi ako handang iwan sila.

Pero para sakanila rin naman 'to. Ginagawa ko 'to para sakanila at para sa sarili ko. Maiintindihan naman nila diba? Maiintindihan naman ni Soonyoung? Makakapaghintay naman siya diba?

Hindi ko alam.

Ngayon ko narealize na wala pala akong kasiguraduhan. Oo, maaring mapagaling ko si Mama at maabot ko yung pangarap ko pero after ba nun may mababalikan pa ako? Hindi ko alam.

But Mama Boo needs me. She needs us.

"Ji?"

"A-ah. . . kasi Jeonghan hyung, si Kwan."

"Oh, anong nangyare sakanya!?"

"Hindi siya pero si Mama Boo. . . inatake kasi siya ng sakit niya at nasa hospital siya ngayon. We're planning to transfer her sa America para sa treatment niya. Sabi ng doctor malala na daw yung kalagayan niya at sa America pwede siyang operahan at gumaling. Hindi raw kasi sapat yung kagamitan dito kaya 'di sila pwedeng mag-opera."

"Ok na ba siya ngayon? Si Kwan tsaka si Noona?"

"Nandun sila sa hospital. Stable naman si Mama Boo ngayon pero maari raw na atakihin na naman siya ng sakit niya. Mas madalas ngayon dahil humihina na ang puso niya."

"I'm sorry to hear that."

"Kaya Cheol. . . gusto ko nang tanggapin y-yung sa New york. Kailangan ko kasing pag-aralin si Kwan tsaka para may kasama si Noona sa pagtransfer kay Mama sa America."

"Paano yung trabaho mo rito?"

"Magf-file na ako ng resignation letter after kong tapusin yung album ni HVC."

"Si Soonyoung?"

"..."

"Alam kong sinasabi kong kailangan mong tanggapin 'tong offer na 'to pero gusto ko pa rin na tanggapin mo dahil sigurado ka na."

Jollibee | SoonHoon ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon