Jollibee 82

1.6K 105 99
                                    

Soonyoung's

Di naman ako tanga para di malaman na may tinatago sina Kwan saakin. Halos layuan nila ko kahit na nakipagbati na ko sakanila. Sa tingin ko talaga may tinatago sila saakin dahil lagi silang nagbubulungan tapos titigil kapag lumapit ako. Kaya ramdam na ramdam ko at 'di rin ako tanga para 'di malaman kung tungkol ba kanino yun.

Hindi naman nila itatago unless tungkol kay Jihoon. Hindi ko man alam kung ano ba yung tungkol kay Jihoon pero alam ko, about sakanya yung tinatago nila Kwan.

Afternoon ngayon at 'di ko sila kasama dahil midnight shift sila. Uuwi na lang ako ng hapon at matutulog tsaka sila titignan ng midnight bago sila umuwi. Ganun kasi lagi ang ginagawa ko. Ngayon binabantayan ko yung tatlo kong pamangkin na dumalaw dito. Nasa taas sila dahil may mini playground for kids doon.

Naglilibot lang ako sa first floor nang makita ko ang isang familiar na tao na nagoorder sa counter. I squinted my eyes bago lumapit para masiguro ko na siya yun. Pero impossible kasi diba. . . kasama niya si Jihoon sa America? Anong ginagawa niy dito?

Masyadong mahaba ang pila kaya medyo matagal pa ang turn niya. Lumapit ako at parang 'di ako makahinga nang makita ko na kung sino ba talaga siya.

Seungcheol hyung. . .

Dahan-dahan akong lumapit sakanya. Parang lalabas ang puso ko sa sobrang kaba. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit sobra akong kinakabahan? Naiisip ko palang na nandito na si Jihoon, 'di ko na makayanan.

"H-hyung?"

Napaharap siya saakin at nanlaki rin ang mga mata niya. Tsaka ko lang nakita na kasama niya si Jeonghan hyung na nakapila sa counter. Tinignan ko silang dalawa na nakangiting iniwan yung pila at lumapit saakin. Tinapik agad ni Seungcheol hyung ang balikat ko habang si Jeonghan hyung ay nakatayo lang sa tabi niya.

"Kumusta na? Dito ka pa rin?"

"Ah. . . ayos naman. Oo hyung."

"Ba't 'di ka naka-uniform?"

"Ako na kasi yung may-ari nung branch. Pinag-ipunan ko kasi siya e tsaka umutang ako sa bangko. Katatapos ko nga lang mabayaran e."

"Wow! Asensado na ah?"

"K-kayo?"

"Ayos naman. Na homesick pero kinaya."

"Sikat na sikat na nga kayo e, Hyung."

"Mas si Jihoon."

"..."

"S-sorry."

"Sige hyung, mamaya na tayo mag-kumustahan. Order na muna kayo. Haba ng pila oh."

"Osya."

"May table na ba kayo, hyung?"

"Ah, oo. Sa taas."

"Ah. Sige, mamaya na lang. Puntahan ko kayo."

"H-huh?"

Ngumiti lang ako bago kumaway sakanila. Kinuha ko yung bag nung tatlo kong alaga bago umakyat para tignan kung pawis na ba sila. Habang umaakyat ako, nagtataka ako na tahimik yung playground. Nasaan kaya yung tatlo? Bakit ang tahimik ata nila?

Dahan-dahan akong umakyat. Medyo konti ang tao sa taas at 'di occupied lahat ng seats. Mas marami kasi sa baba kaya kahit marami nang tao 'di pa rin na-o-occupy yung sa taas. Lumiko ako papunta sa may mini playground at nakita ko yung tatlo na nakaharap sa isang lalaki.

Literal na bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang pamilyar niyang buhok. Nakatalikod kasi siya saakin kaya 'di ko makita ang mukha niya. Pero 'di ako pwedeng magkamali, kahit dalawang taon ko na siyang 'di nakikita. . . kilalang-kilala ko pa rin siya. Alam na alam ko kung sino siya.

Jollibee | SoonHoon ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon