Jollibee 89

1.6K 106 31
                                    

Soonyoung's

"Luh, hyung, ba't ang aga mo naman kaming pinapasok!?"

"Bakit puro picture niyo ang nasa gallery ko?"

Nagtinginan silang tatlo sabay ngiti saakin. Agad naman silang nagturuan kaya nasapo ko na lang ang noo ko. Tangina, ang dami kong dinelete dahil puro mukha nila nasa phone ko. Ang papanget nila, puro wacky.

"Pinapunta niyo ba si Jihoon sa apartment ko?"

"HINDI AH!"

"TSS! HINDI NGA HYUNG ANG KULIT MO! GIGIL MO SI AKO!"

"NAKO HYUNG WAG MO NGA KAMING SISIHIN! NAKAKAHURT!"

"So pinapunta niyo nga."

Natahimik naman sila at napayuko. I just sighed dahil naalala ko na napanaginipan ko si Jihoon at sinabi ko sakanya na dumating ako sa airport. Sinabi ko din na miss na miss ko na siya. Sinabi ko din na ano. . . na galit ako pero mahal ko pa rin siya. NASABI KO YUN SAKANYA!

Para akong umamin ulit at natatakot ako kung ano ba ang sasabihin niya saakin. . . nung huli kong sinabi na mahal ko siya, ang sagot niya I'm leaving. Ano naman kaya ang isasagot niya saakin ngayon?

"Mahal ka naman ni Jihoon hyung e."

"Hyung, ba't 'di mo pa siya patawarin?"

"Duwag ako e. Naduduwag akong humarap sakanya."

"Hindi ka na galit sakanya?"

"Matagal na kong 'di galit sakanya. Nasaktan lang ako pero. . . mahal ko pa e."

"Ayun naman pala Hyung e! Magw-work pa kayo!"

"..."

"Natatakot ka na baka iwan ka niya ulit 'no?"

"... Oo."

"Hyung naman! Bumalik na siya, 'di ka na iiwan nun!"

"Pe--"

"SI JIHOON HYUNG!"

"Ano? Tangina, wait. Nasaan yung mascot!?"

Tumakbo ako agad sa may staff room. Agad namang sumunod yung tatlo saakin. Nakaharap lang ako sakanila habang sila weird na nakatingin saakin.

"Hyung, harapin mo na si Jihoon hyung."

"..."

"Pabebe ka pa e. Ano pa bang issue mo? Mahal niyo ang isa't-isa. 'Wag niyo ng matagalin pa."

"Tama si Seok, hyung. Kung 'di pa ngayon, kailan pa kayo magiging masayang dalawa? Habang pinapatagal niyo, mas lalo lang kayong masasaktan."

"..."

"Hyung, nakikinig ka ba? ANO BA YANG BWUSIT NA HINAHANAP MO AH!?"

"M-mascot."

"..."

Nung mahanap ko yung mascot ay agad ko itong sinuot kahit na every Saturday lang naman ang labas ni Jollibee. Tsaka tumigil na ako sa pagma-mascot kasi. . . kasi wala na yung taong pasasayahin ko.

Pero ngayon. . . sana mapasaya ko siya kahit sa likod lang ng mascot na 'to. Naduduwag pa akong harapin siya. Oo, tangina. Ang gulo ko, alam ko. Pero 'di ko pa siya kayang harapin.

"Hyung, anong ginagawa mo?"

"Pasasayahin ko siya."

"HYUNG! SI SOONYOUNG ANG KAILANGAN NIYA!"

"... Duwag pa si Soonyoung."

I smiled before putting Jollibee's head. Wala ng nagawa sina Seok at tinulungan na lang nila akong lumabas. Agad namang nagsitakbuhan ang mga bata saakin habang hinahanap ko pa rin kung nasaan si Jihoon.

"Dalhin kita sa pwesto niya."

Ginuide ako nina Kwan malapit kay Jihoon. Yung lapit na hindi masyadong halata dahil marami ring bata sa may lugar niya. I cheerfully waved in his direction pero malungkot na ngiti lang ang sinukli niya.

Lumapit ako sakanya and gestured a sad face, tulad ng ginawa ko noon. He nodded at kita ang tamlay sa mga mata niya. I wiggled my tail as I stretched my arms wide para mayakap niya ako. Pero umiling lang siya.

"Sorry Jollibee ah? Ibang Jollibee kasi ang gusto kong yumakap saakin."

He walked near me at ngumiti saakin. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya para mayakap ko siya. . . Parang gusto ko na lang tanggalin yung mascot at yakapin na talaga siya.

I missed our hugs.

"S-Soonyoung. . ."

Naramdaman kong humigpit ang yakap niya sa mascot. I smiled to myself as I let my tears fall down. Atleast dito walang makakita kung gaano ako kalungkot. Walang makakakita na umiiyak ako.

I missed our hugs so much.

I missed him so much at kahit gaano kakapal itong mascot ay ramdam na ramdam ko ang yakap niya. Masaya na ako sa ganito sa ngayon. At least nayakap ko siya ulit. . . naging malapit siya uli saakin.

"I missed you."

I hugged him tighter as the respond sa I missed you niya. I missed him more. . . I missed him so much.

I missed you too, Jihoon.

🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵

GYUSEOKBOO REPRESENTING ALL OF YOU~ Ganyan na ganyan yung mga comments niyo ee hehe 😂

Jollibee | SoonHoon ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon