Jollibee 31

2K 102 56
                                    

Soonyoung's

"Ay oh, first time nagtake-out. Para kanino yan?"

"Para saakin. As if namang may kasama ako sa bahay."

"Lokohin mo lelang mo, Hosh. 'Di ka mahilig sa sundae."

"Wala akong lelang."

"Tangina."

Tumawa ako at iniwan na lang sina Gyu sa staff room. 7:30 AM na at kailangan ko nang umuwi dahil baka 'di pa kumakain si Jihoon. Pinagtake-out ko siya ng yum at fries pati na sundae dahil wala akong stock sa bahay. 'Di pa ko nakakapag-grocery kasi wala pang sweldo.

Speaking of sweldo, kailangan ko ring bayaran yung renta ko sa apartment. Ayoko namang manghiram pa kina Seok dahil wala din silang pera at ayokong manghiram sa boss ko dahil nakakahiya na. Kailangan ko nang makahanap ng bagong sideline.

Hindi na kasi masyado yung party sa Jollibee kaya naman 'di na ko nakakasideline sa pagiging mascot. 'Di ko naman alam kung saan ako magtr-trabaho dahil high school lang naman natapos ko. Wala akong alam sa kung anong professional na trabaho.

Kung sanang natanggap ako sa Pledis, edi sana 'di na ako masyadong namomoblema ngayon. Pero ayos lang. . . ilang araw na lang matatanggap ko na yung sahod ko, makakabayad na ako sa upa tapos yung natira pagkakasyahin ko na lang for one month.

Kung iniisip niyo na bakit di ko pa tanggapin yung inooffer ni Jihoon kung nahihirapan ako ngayon, ayoko. Ayokong humingi ng tulog sa iba na  hindi ko naman pinaghirapan. Ayokong may makuha akong isang bagay na hindi ko naman pinaghirapan. Naniniwala kasi ako na kapag nakuha mo ang isang bagay ng walang kahirap-hirap, agad din itong mawawala sayo. Pang-madalian lang kungbaga.

🎵🌟🎵🌟🎵🌟🎵

Apartment

Dahan-dahan akong pumasok sa loob nang apartment ko. Tahimik ang loob at mukhang walang tao. Siguro tulog pa si Jihoon. Anong oras na kayo yun natulog kagabi? Iniwan ko kasi siya ng 10 PM, tulog na siya nun.

Pumasok ako sa kwarto ko at nakita ko doon si Jihoon. Nakadapa siya at mahimbing na natutulog. I checked the clock and its 8:10 AM, kailangan na niyang gumising.

Kahit ayokong gisingin siya dahil napaka-peaceful niyang tignan, wala akong choice, kailangan niyang umuwi ng 10. Niyugyog ko siya ng dahan-dahan at dahan-dahan din niyang minulat ang mata niya.

"Oh ba't ang pula ng mata mo?"

"Huh?"

"Umiiyak ka na naman ba kagabi?"

"Hindi!"

"Yung totoo, Jihoon? Anong oras ka natulog?"

"fi-- diba karating natin dito, after kong maligo, nakatulog na ako?"

"E ba't nga ang pula ng mata mo!?"

"Kasi nga ganyan talaga yan 'pag bagong gising ako!"

"Sigurado ka?"

"Oo nga!"

"..."

"Promise!"

"Kumain ka na tapos maligo ka na. Nilabhan ko yung damit mo kagabi, sigurado tuyo na yun."

Jollibee | SoonHoon ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon