ULGO SHIPJI ANHA (Jollibee 88)

1.7K 99 58
                                    

Note: This is 2 years ago, flashback nung umalis si Jihoon at pinuntahan siya ni Soonyoung. Nandito rin yung tunay na nararamdaman ni Soons sa pag-alis ni Ji. I suggest that you should listen to DWC when reading this. I'm going to put some lyrics para feel na feel HAHAHAHA

🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵

Soonyoung's

"Manong, wala na po bang ibibilis?"

"Pasensya na Sir, pero may speed limit po tayo e."

Tangina. Oo yun na lang ang masasabi ko. Kaya nga ako nagtaxi para mapabilis ang punta ko sa airport pero ang bagal ng taxi. Ilang minuto na lang at aalis na si Jihoon, paano kung 'di ko siya maabutan? Paano kung 'di ko siya makita sa huling pagkakataon?

My feet keeps on bouncing because of nervousness. Paulit-ulit din akong tumitingin sa phone ko para tignan kung anong oras na ba. 11 PM daw ang alis niya at ilang minuto na lang yun.

"Manong, please."

I bite my lips habang pinipigilan ko ang pag-iyak. Hindi ako pwedeng umiyak ngayon. Ayokong makita ako ni Jihoon ng malungkot. Gusto ko kapag nagkita kami, makita niya na masaya ako para sakanya. . . kahit sobra akong nasasaktan.

Don't wanna cry

"Please Manong. . . malapit na po ba tayo?"

"Malapit na."

"Bakit po kayo huminto?"

"Red light, iho."

I gulped at kumuha na ng bayad para sa driver. Bumababa ako ng taxi kahit na binabawalan niya ako at tumakbo papunta sa airport. Kailangan ko siyang makita bago siya umalis. Hihintayin naman niya ako diba? Hindi naman siya aalis ng wala ako diba?

Because I love you, because the word I love you isn't enough, no matter what I say.

Patuloy ang pagtakbo ko kahit na 'di ko na halos makita ang daan dahil sa luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata ko. I harsly wiped them at patuloy na tumatakbo. Hindi ako pwedeng tumigil. . . kailangan kong makita si Jihoon.

I love you so much, where'd you go? Did you leave because you don't like me anymore?

Napatigil ako at napayuko dahil sa pagod. Napahawak na lang ako sa tuhod ko at tuluyang tumulo ang luha sa mga mata ko. I sobbed as I wiped my tears again. Tumakbo ako ulit after kong magpahinga ng konti.

Don't play around, I know you're right there. Feels like you'll appear, so I'm just waiting.

Hanggang sa makarating ako sa airport. I checked my watch at 10 minutes na lang ay paalis na siya. I gulped as I felt a huge lump in my throat before going inside. Inikot ko ang pagtingin ko sa loob ng airport pero wala akong makitang kahit anong bakas ni Jihoon.

I need to find you, need to find you. Because if I cry right now, I might not see you.

I slowly walked sa may guard sa departure area para tanungin siya. Nanginginig ang binti ko dahil sa pagod at kaba pero 'di ako huminto. Kailangan kong makita si Jihoon. Hihintayin naman ako ni Jihoon diba? Hindi naman siya aalis nang 'di ako nakikita diba?

Jollibee | SoonHoon ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon